Piolo napagkamalang si Brad Pitt

Marami ang nakakapansin na habang nagkakaedad si Piolo Pascual, nakakahawig na nito ang Hollywood actor na si Brad Pitt.

The post Piolo napagkamalang si Brad Pitt first appeared on Abante.

piolo napagkamalang si brad pitt - Piolo napagkamalang si Brad Pitt
Piolo x Brad Pitt - Piolo napagkamalang si Brad Pitt

FINAL columnists Palaban to no Dondon Sermino 2 300x180 - Piolo napagkamalang si Brad PittMarami ang nakakapansin na habang nagkakaedad si Piolo Pascual, nakakahawig na nito ang Hollywood actor na si Brad Pitt.

May mga photo nga raw si Piolo ngayon na parang pini-peg talaga niya si Brad Pitt. Kaya nga Brad Pitt ng Pilipinas ang tawag kay Piolo ngayon.

Well, sa bagong kulay ng buhok ni Piolo ngayon, na medyo brownish, o pa-blonde na rin, para ngang mas nakaka-lookalike na niya si Brad.

May mga fan nga na sa unang tingin kay Piolo, si Brad daw ang nakita nila. Napagkamalan daw nila si Piolo na Brad, ha!

Pero pabirong sabi ni Piolo, mas kahawig daw niya, at mas bet niyang tawagin siya bilang si Brad Pitik.

Anyway, bagamat rumerehistro na ang mga linya sa mukha ni Piolo, walang duda na hindi nababawasan ang kanyang kaguwapuhan. Mas marami nga ang nagkaka-bet ngayon kay Piolo dahil sa nag-mature na look niya.

Kitang-kita rin kasi kung paano alagaan ni Piolo ang katawan niya. Ang seksi ni Piolo, at puwede talaga siyang pantapat kay Brad Pitt.

Anyway, may mga bagong look si Piolo ngayon sa Instagram, at ginagawa raw niya `yon para tulungan daw na mag-promote ang anak niyang si Inigo Pascual ng kanta nito.

***

Iza gusto nang magkaanak

Sa presscon ng Tagpuan, isa sa mga entry sa Metro Manila Film Festival, na pinagbibidahan nina Alfred Vargas, Shaina Magdayao, at Iza Calzado, tinanong sila kung sino ang gusto nilang matagpuan sa ‘tagpuan?’

“Ang anak ko, gusto ko siyang matagpuan. Gusto kong matagpuan ang pagiging ina, pag biniyayaan ako ng Diyos,” sabi ni Iza na ramdam nga na gusto na rin talaga niyang magkaanak.

Pero siyempre, nakasalalay sa Diyos ang lahat.

“Pero, kahit planuhin mo, it is really God’s plan will unfold. Si God ang masusunod. So, kung saan na lang ako dadalhin ng buhay ko, kung sino ang matatagpuan ko na makakatulong sa aking growth, sana dumating sa buhay ko, sana matulungan namin ang isa’t isa, kasi in this life, nandito ka rin para sa ibang tao, para sa ibang nilalang, hindi lang ito tungkol sa iyo,” sabi ni Iza.

Well, sa mga gustong mapanood ang Tagpuan na dinirek ni Mac Alejandre, mag-download na kayo ng Upstream.

The post Piolo napagkamalang si Brad Pitt first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *