Piolo nanguna sa petisyon kontra ABS-CBN closure

Nagtulong-tulong ang mga personalidad ng ABS-CBN network upang pigilan ang sinasabing freezing ng franchise renewal sa kanilang network na mag-e-expire sa March 2020.

The post Piolo nanguna sa petisyon kontra ABS-CBN closure appeared first on Abante News Online.

piolo nanguna sa petisyon kontra abs cbn closure - Piolo nanguna sa petisyon kontra ABS-CBN closure
piolo 4 - Piolo nanguna sa petisyon kontra ABS-CBN closure

Maraming magugutom:

Nagtulong-tulong ang mga personalidad ng ABS-CBN network upang pigilan ang sinasabing freezing ng franchise renewal sa kanilang network na mag-e-expire sa March 2020.

Mula sa mga artista gaya nina Piolo Pascual at Lea Salonga, production staff, at iba pang empleyado ng ABS-CBN, nagkaisa ang lahat na gumawa ng petition o open letter kaugnay sa isyung iyon.

“We are hoping that this is just an issue of lack of time tackling this before Congress adjourned last june 11, and thus, could be re-filled in the 18th Congress,” bahagi ng statement na kanilang inilabas.

Tinalakay din nila ang hindi, ani­ya, nalutas na isyu sa presidential campaign noong 2016 kaugnay sa reklamo ni Pangulong Rodrigo Duterte noong tumatakbo pa siya bilang presidente. Ito ay tungkol sa paid ad na hindi inere ng kanilang network.

“Whatever the issue regardin­g the campaign TV ad, we believe, must be resolved legally without affectin­g the entire organization,” sabi pa sa statement.

Ipinaliwanag din sa kanilang petition ang kahalagahan ng kanilang network sa buhay ng mga tao lalo na sa mga walang sapat na pera para mag-internet.

“In the Philippines, where many still do not have access to the web or have the budget to spend hours browsing in an internet shop, television and radio are their only means to connect with the rest of the nation and perhaps, the world for free, with just a simple device called antenna,” paglilinaw sa kanilang sentimyento.

Bukod pa riyan, kapag nawala raw ang isa sa mga libangan ng mga kababayang Pilipino ay maaaring magkaroon ng malaking impact sa lahat.

Hiling din nila na malagpasan ng kanilang network ang pagsubok na kanilang nararanasan ngayon.

Ilan sa mga kilalang personalidad na kasali sa letter sina Bituin Escalante, Jaime Fabregas, Sue Prado, Ryan Ca­yabyab, Boom Labrusca, Jed Madela, Jett Pangan, Yayo Martinez, Jeffrey Jeturian at Lav Diaz. (Athena Yap)

The post Piolo nanguna sa petisyon kontra ABS-CBN closure appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *