Piolo humiling ng bida role sa MMK ni Charo

Ang bongga talaga ng mga nagiging guest nina Charo Santos at Robert Labayen sa FYE Channel show nila sa Kumu na “Dear Charo”.

The post Piolo humiling ng bida role sa MMK ni Charo first appeared on Abante.

piolo humiling ng bida role sa mmk ni charo - Piolo humiling ng bida role sa MMK ni Charo
Piolo Pascual - Piolo humiling ng bida role sa MMK ni Charo

Ang bongga talaga ng mga nagiging guest nina Charo Santos at Robert Labayen sa FYE Channel show nila sa Kumu na “Dear Charo”.

Magiging bisita nila next week si Ian Veneracion. At nitong Lunes ay si Piolo Pascual ang guest.

Sa guesting ni Piolo sa digital show, walang patumpik-tumpik na sinabi nito na “Kapamilya Forever” siya.

Ngayon, parehong may show sina Papa P at Ian sa TV5 dahil sa blocktime agreement ng Dos sa Brightlight Productions.

Mahigit 24 years nang Star Magic artist si Piolo, kaya marami ang nawindang nang iwan niya ang “ASAP” at nag-appear sa katapat na bagong noontime variety show sa TV5.

Pero winner ang pag-uudyok ni Papa P sa kwentuhan nilang tatlo sa “Dear Charo” kung kelan ulit siya lilitaw sa station ID ng ABS-CBN. Si Tito Robert kasi ang head ng creative communications management ng ABS-CBN, ang nasa likod ng sikat na Christmas Station IDs gaya ng “Bro, Ikaw ang Star ng Pasko.”

“‘Yan ha, sabi ni PJ, kailan daw tayo mag-i-SID. Why not? Kapamilya forever,” hirit ni Charo.

Wish din ni Piolo na matuloy na ang niluluto nilang episode ng “MMK,” kung saan host si Charo.

Anyway, abangan ang next episode ng “Dear Charo” with Ian Veneracion sa Monday at 8pm sa FYE Channel sa Kumu! (Dondon Sermino)

The post Piolo humiling ng bida role sa MMK ni Charo first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *