Piolo ‘bet’ ni Luchi

Isang K-pop fanatic din pala ang multi-awarded broadcaster at journalist na si Ms. Luchi Cruz-Valdes. Ang bilis ng sagot niya nang tanungin ito kung sino pang celebrity ang pangarap o wish niya sanang ma-interview sa kanyang pinag-uusapang show ngayon sa TV5, ang “Usapang Real Life with Luchi.”

The post Piolo ‘bet’ ni Luchi first appeared on Abante.

piolo bet ni luchi - Piolo ‘bet’ ni Luchi
abante piolo 1 - Piolo ‘bet’ ni Luchi

Rose Garcia Ansabeh 14 300x157 - Piolo ‘bet’ ni LuchiIsang K-pop fanatic din pala ang multi-awarded broadcaster at journalist na si Ms. Luchi Cruz-Valdes. Ang bilis ng sagot niya nang tanungin ito kung sino pang celebrity ang pangarap o wish niya sanang ma-interview sa kanyang pinag-uusapang show ngayon sa TV5, ang “Usapang Real Life with Luchi.”

Hindi local celebrities ang sinabi nito, instead ang South Korean actor at bida k-drama na Itaewon Class na si Park Seo Joon. Inamin nito na fan na fan nga raw siya ni PSJ.

“Fan girl at 60!,” natatawang pag-amin niya.

Katulad din daw kung paano niya tinanong at napag-open-up ang mga local celebrities tulad nina KC Concepcion, ZsaZsa Padilla at Alessandra de Rossi, ganun din daw niya tatanungin ang South Korean actor.

Sabi pa niya, “Alam niyo kaya ko rin gustong-gusto ang show na ito, it brings something, for me ha, that everybody has. I mean, kahit naman kaming mga journalists, gustong-gusto rin namin ang showbiz.

“Kaya nga may showbiz news kami, ‘di ba? Ang sarap naman talagang pag-usapan ng buhay ng mga sikat, ‘di ba? We forget that they have ordinary days that extra-ordinary ones.”

Pero bukod kay PSJ, kung usapang local celebrities, aminado itong nai-intimidate rin daw sa mga sikat na artistang kinakausap niya. At ilan din sa na-mention niyang gusto niyang makausap pa ay sina Piolo Pascual (although, hindi pa lang daw siguro pwede ngayon dahil nga sa present controversy with BB Gandanghari) at Gary Valenciano.

Ang Usapang Real Life with Luchi ay napapanood tuwing Sabado ng 9:00 p.m. sa TV5. May replay rin tuwing Sunday ng 7:00 p.m. sa Colours at available sa Cignal TV Channel 202HD & 60 SD.

Gladys tinutukan ng kutsilyo ang ex-bf?

Sumagot na ang ex-boyfriend ng komedyante na si Gladys Guevarra na si Leon. Sa kanyang YouTube account sumagot ang ex-boyfriend ni Gladys sa mga akusasyon sa kanya at tahasang sinabi na inosente raw ito.

Ang ex pala ni Gladys ay ang social media producer ng Sunday PinaSaya at doon sila nagkakilala. Pinaratangan ito ni Gladys na tinangay raw ang pera na kita sa kanilang online food business.

Pinagkatiwalaan daw niya ito na sa personal na gcash ng ex niya pumapasok ang mga sales. Na kesyo hindi na niya ito makontak kaya pinaratangan ni Gladys na tinakbo ang pera niya. Nagkakahalaga lang ng mahigit na P9,000 plus, pero may mga pumapasok pa raw kasi.

Malinaw ang paliwanag ng ex ni Gladys sa kung ano ang nangyari, which is this September lang pala nangyari. Pinatunayan nito na hindi niya tinakbo ang pera at walang katotohanan ang paratang sa kanya. Nabanggit ng ex ng komedyante na ang hirap naman daw makipag-usap sa tao habang may hawak itong kutsilyo.

Yung mga gamit daw niya ang tila hinold nito at ayaw ibigay sa kanya. Sinabi rin ng ex ni Gladys na kung may ginawa siyang masama, may pamangkin daw na pulis ang komedyante at pwede siyang ipahuli.

The post Piolo ‘bet’ ni Luchi first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *