Pinoy waging Mr. Gay World sa South Africa

Isinilang na ba ang bagong Nostradamus, at ito ay isang Filipino? Usap-usapan ngayon sa showbiz at social media ang businessman na si Wilbert Tolentino, na siya ring franchise owner sa Pilipinas ng Mr. Gay World Philippines.

The post Pinoy waging Mr. Gay World sa South Africa appeared first on Abante News Online.

pinoy waging mr gay world sa south africa - Pinoy waging Mr. Gay World sa South Africa
janjep carlos - Pinoy waging Mr. Gay World sa South Africa

Isinilang na ba ang bagong Nostradamus, at ito ay isang Filipino? Usap-usapan ngayon sa showbiz at social media ang businessman na si Wilbert Tolentino, na siya ring franchise owner sa Pilipinas ng Mr. Gay World Philippines.

Nasungkit ng kinatawan ng Pilipinas na si Janjep Carlos ang titulong Mr. Gay World 2019 sa South Africa. Naka-post ang balitang ito sa social media account ng kanyang entourage na sumama para suportahan at i-mentor si Janjep sa laban nito.

May kakayahang makita ni Mr. Wilbert ang magiging kaganapan sa paligid at sa mga taong malalapit sa kanya. Na-predict niya ang pagkakaroon ng malakas na lindol sa ilang bahagi ng Pilipinas, na siyang nangyari ilang linggo na ang nakakaraan.

May pruweba sa kanyang prediksyon si Wilbert na mababasa sa kanyang Facebook post bago pa naganap ang lindol. Isa ito sa testimoniya niya sa naganap na send-off presscon para kay Janjep bago pa sila lumipad para sa MGW.

Sa presscon, sinabi nitong nahulaan niya ang sunog sa Binondo. Pinalipat na niya ang ina sa ibang lugar, hindi lang dahil matagal na ito doon, kundi may nararamdaman siyang posibleng sunog sa lugar, na siya ngang nangyari.

Ilang beses sinabi ni Wilbert na makukuha ng Pilipinas ang titulong Mr. Gay World 2019, dahil ito ang nararamdaman, na siya ring nangyari.

Anyway, congra-tulations kay Janjep na ngayon ay idol na ng LGBTQ+ dahil sa pagwawagi niya. Nagtagumpay ang kanyang planong mag-ala Catriona Gray sa Miss Universe.

The post Pinoy waging Mr. Gay World sa South Africa appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *