Pinoy-Jej Vinson suportado ni Kelly Clarkson

Hindi man sinuwerte ang 22-year old Los Angeles-based Filipino na si Jej Vinson sa kanyang The Voice US journey, tuloy pa rin ang kanyang pangarap na maging isang singer.

The post Pinoy-Jej Vinson suportado ni Kelly Clarkson appeared first on Abante News Online.

pinoy jej vinson suportado ni kelly clarkson - Pinoy-Jej Vinson suportado ni Kelly Clarkson
Jej Vinson - Pinoy-Jej Vinson suportado ni Kelly Clarkson

Hindi man sinuwerte ang 22-year old Los Angeles-based Filipino na si Jej Vinson sa kanyang The Voice US journey, tuloy pa rin ang kanyang pangarap na maging isang singer.

Kelan lang ay ni-launch via YouTube ang first single ni Jej na may titulong “Tasty”.

Sa naturang YouTube lyric video, pinarinig ni Jej ang powerful vocals niya at nangako siya na gagawa pa siya ng mas maraming original songs.

Sa isang mahabang post sa IG, nagpasalamat si Jej sa kanyang “amazing team” sa pagbuo ng kanyang unang single.

Naging fan favorite si Jej noong makapasa siya sa blind audition ng The Voice US Season 16 nang awitin niya ang ‘Passionfruit” ni Drake. Pinag-agawan siya ng apat na coaches ng naturang singing competition na sina Adam Levine, John Legend, Kelly Clarkson and Blake Shelton. Ang pinili ni Jej na maging part ng Team Kelly.

Umabot hanggang sa Top 13 si Jej. Ang hinirang na winner ng The Voice Season 16 ay si Maelyn Harmon ng Team Legend na taga-Frisco, Texas.

Sa kanyang Twitter, nagpasalamat si Jej sa suporta na binigay sa kanya sa The Voice, lalo na kay Kelly Clarkson na para sa kanya ay “the best coach”. (Ruel Mendoza)

The post Pinoy-Jej Vinson suportado ni Kelly Clarkson appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *