Pinoy group SB19 palaban sa K-Pop, J-Pop

Limang taon na hinasa ng grupo ng mga ­Koreano sa pagkanta, pagsayaw. Dumating sila sa punto na halos gusto na nilang sumuko, na maghanap na lang ng ibang pagkakakitaan.

pinoy group sb19 palaban sa k pop j pop - Pinoy group SB19 palaban sa K-Pop, J-Pop
sb19 - Pinoy group SB19 palaban sa K-Pop, J-Pop

Limang taon na hinasa ng grupo ng mga ­Koreano sa pagkanta, pagsayaw. Dumating sila sa punto na halos gusto na nilang sumuko, na maghanap na lang ng ibang pagkakakitaan.

At sa limang taon na ‘yon, kasabay pa sa ­ginagawa nila ang pag-aaral at pagtulong sa kanilang pamilya.

Pero, sabi nga, kung may tiyaga, may ­nilaga. At ngayon na nga ang tamang panahon para anihin ang itinanim nila.

Ang bongga nga ng grupong SB19. Ang SB19 ang kauna-unahang Filipino idol boy group trained under ShowBT, a Korean entertainment company that branched out to the Philippines.

These boys are well rounded performers who can sing and dance a wide variety of genres, write their own music and, create their own ­choreography.

Ang aim nila ay mapasok ang Philippine ­music scene, introduce a new culture as well as be a boy group that can compete with international boy bands and make the Filipino people proud to call their own.

Emotional ngang humarap sa miyembro ng ­media sina Sejun, Josh, Stell, Ken, Justin. At bakit nga naman hindi? Dahil mula sa 200 na kabataan na sumalang sa audition, dumaan sa matinding pagsubok, lima na lang silang natira.

At unti-unti nga ay nakikita nila ang ­pinaghirapan nila. Marami na silang fan, at may mga imbitasyon na rin mula sa ibang bansa at probinsya na ­mag-perform­ sila. At kung sayaw, ­boses din lang ang pag-uusapan, palaban nga sila sa K-Pop, J-Pop, ha!

Sa ngayon, ang kanta nilang “Go Up” ang kinababaliwan ng kanilang mga fan.
At yes, puro lalaki po sila, at wala raw bading sa kanila.

(Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *