Pinakilalang Australian sa Colombia: Filipina ako – Catriona Gray

Idinaan ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa pamamagitan ng caption ang pagpalag niya sa pagpapakilala sa kanya sa Miss Universe Colombia bilang Australian.

The post Pinakilalang Australian sa Colombia: Filipina ako – Catriona Gray first appeared on Abante.

pinakilalang australian sa colombia filipina ako catriona gray - Pinakilalang Australian sa Colombia: Filipina ako – Catriona Gray
gray 2 - Pinakilalang Australian sa Colombia: Filipina ako – Catriona Gray

Idinaan ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa pamamagitan ng caption ang pagpalag niya sa pagpapakilala sa kanya sa Miss Universe Colombia bilang Australian.

“Hailing from Australia but represented the Philippines in the international stage of the Miss Universe pageant.” Ganiyan nga raw ipinakilala si Catriona sa naturang pageant bilang hurado.

At ilang minuto nga ang nakalipas, nag-post na si Catriona sa IG story ng photo na may caption na ‘FILIPINA’.

Anyway, kitang-kita rin umano ang pagkadismaya sa mukha ni Catriona noong oras na ipinakilala siya ng host. Na kahit naka-smile, ramdam sa mga mata niya ang pagprotesta, na parang gusto nga raw nitong sabihan ang host na siya ay Filipina at hindi Australian.

Super palag din ang mga fan ni Catriona sa pangyayaring `yon. Ang iba ay hindi rin nagustuhan na ang spelling ng pangalan ni Catriona Gray sa chargen ay GARAY sa halip na GRAY. Pero, inisip na lang ng marami na baka ganun talaga ang spelling sa Colombia.

Pero marami rin naman nagsasabi na hindi mali ang sinabi ng host. Na katotohanan naman talaga na sa Australia pinanganak si Catriona, at nagpunta ng Pilipinas noong malaki na siya para maging modelo, at sumali nga sa mga beauty pageant sa Pilipinas, at nanalo nga.

itsrobertodiegoyyz : “They were not wrong in saying AUSTRALIAN born and represented the Philippines….it’s the truth.”

jannisjensenn :

jannis jensenn (@jannisjensenn) • Instagram photos and videos
60 Followers, 514 Following, 25 Posts – See Instagram photos and videos from jannis jensenn (@jannisjensenn)

She’s Filipina-Australian and there’s nothing wrong with that. The problem is the people who create mountain out of a molehill. The Colombians LOVE Cat and have moved on from the 2015 drama. Their gripe is with Pia and her fans, NOT Catriona and the Philippines as a whole. Stop the unnecessary drama, it brings nothing good. Please dont burn the bridges that Catriona has been working so hard to build with Colombia.”
Well… (Dondon Sermino)

The post Pinakilalang Australian sa Colombia: Filipina ako – Catriona Gray first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *