Pinag-ingat sa kaaway: Bea tumangging pakasal sa Agosto

Bentang-benta ang bagong entry sa YouTube ni Bea Alonzo. Tungkol nga ito sa mga prediksiyon, tarot card reading, na bagay nga raw ngayong kapapasok lang ang Bagong Taon.

The post Pinag-ingat sa kaaway: Bea tumangging pakasal sa Agosto first appeared on Abante.

pinag ingat sa kaaway bea tumangging pakasal sa agosto - Pinag-ingat sa kaaway: Bea tumangging pakasal sa Agosto
abante bea alonzo - Pinag-ingat sa kaaway: Bea tumangging pakasal sa Agosto

Bentang-benta ang bagong entry sa YouTube ni Bea Alonzo. Tungkol nga ito sa mga prediksiyon, tarot card reading, na bagay nga raw ngayong kapapasok lang ang Bagong Taon.

Si Kakai Bautista nga ang guest ni Bea sa episode na ‘Tarot Card Reading with Kakai Bautista’, na ang inimbita nga nilang magbibigay ng prediksyon sa kanila ay isang nagngangalang Niki, na bagong kakilala lang daw nila.

“Kinikilabutan ako,” sabi ni Bea sa simula, na humiling na mild lang muna ang basahin sa kanya.

Bigla rin siyang humirit na bet na niyang mag-back out, pero hindi na nga puwede.

Unang basa pa lang ng card, pinawisan na agad ang kili-kili ni Bea. Kasi nga, hirit sa kanya, siya pa rin ang ‘queen’ basta huwag lang siya magpa-distract. Na wala nga raw puwede pang magpatumba kay Bea, at mas lalo pa siyang sisikat at dadami ang datung niya.

Sinabi rin ni Niki kay Bea na meron itong iniisip na lalake.

“Lagi na lang lalake ang nasa isip ko. Hahahaha!” reaksiyon ni Bea.

Sinabi rin ng ‘reader’ na gusto na talaga ni Bea na magkaroon ng dyowa.

Tanong din ni Bea, ‘ikakasal pa ba ako?’

At ang lumabas na mga card, sa civil daw muna magaganap ang kasal, at hindi sa simbahan. Malamang na pitong buwan daw mula ngayon puwedeng maganap ang kasal, o pitong taon mula ngayon.

“Hindi puwede ang 7 months, may trabaho pa ako. Pero, pag 7 years naman, ang tanda ko na! Forty na ako! Hahahaha!”
Anyway, medyo may edad daw na boylet ang mapapangasawa ni Bea. At hula ng mga fan ay si Johng Lloyd Cruz daw ito.
Pero warning din kay Bea, kung pakakasal sila agad ngayong Agosto, o makalipas ang pitong buwan, maghihiwalay rin sila. At sabi pa raw ng card, dalawa ang magiging anak ni Bea.
Anyway, winarningan din si Bea na mag-ingat sa kaaway niya. (Dondon Sermino)

The post Pinag-ingat sa kaaway: Bea tumangging pakasal sa Agosto first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *