Pinabilib ang mga hari, reyna: Baron ‘DATU’ na ng Sulu

Mula sa matagal na pamamahinga sa showbiz ng aktor na si Baron Geisler at ngayon ay gabi-gabing napapanood sa “Ang Probinsyano”, sino ang mag-aakalang magiging Datu na ang aktor?

pinabilib ang mga hari reyna baron datu na ng sulu - Pinabilib ang mga hari, reyna: Baron ‘DATU’ na ng Sulu
baron 1 - Pinabilib ang mga hari, reyna: Baron ‘DATU’ na ng Sulu

Mula sa matagal na pamamahinga sa showbiz ng aktor na si Baron Geisler at ngayon ay gabi-gabing napapanood sa “Ang Probinsyano”, sino ang mag-aakalang magiging Datu na ang aktor?

Binigyan ito ng parangal bilang Datu ng pamilya nina King Raja Mohammadmamay Hasan Abdurajak at Queen Maria Makiling Helen Fatima Nasaria Panolino Abdurajak na siyang tagapagmana at kahalili sa trono ng Sultanate ng Sulu at North Borneo na naganap nitong Martes lamang.

Bago pa man magkita sina Baron at ang Hari at Reyna, naiulat na humanga ang mga ito sa naging comeback ng aktor sa telebisyon, at hindi lang ‘yan, naantig rin sila sa powerful testimony ng aktor tungkol sa kanyang mga pinagdaanan sa buhay.

Sinasabi rin na malaki ang paniniwala ng dalawa sa kapasidad ni Baron na maging “Inspirational model for the youth ambassador for peace” dahil sa nakita nilang pagbabago sa aktor, lalo na ang “spiritual maturity” nito.

Dahil diyan, bumuhos sa social media ang samu’t saring reaksyon mula sa mga netizen, bukambibig nila ang pagka-gulat sa naturang balita. (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *