Pilo Hilbay super kilig sa pagmamahal ni Agot

Sa kauna-una­hang pagkakataon ay nagsalita si former Solicitor General at ngayon ay tumatakbong Senador na si Florin “Pilo” Hilbay sa tunay na estado ng relasyon nila ni Agot Isidro.

The post Pilo Hilbay super kilig sa pagmamahal ni Agot appeared first on Abante News Online.

pilo hilbay super kilig sa pagmamahal ni agot - Pilo Hilbay super kilig sa pagmamahal ni Agot
HILBAY - Pilo Hilbay super kilig sa pagmamahal ni Agot

tonite oh laban ka rey pumaloy 336x224 - Pilo Hilbay super kilig sa pagmamahal ni AgotSa kauna-una­hang pagkakataon ay nagsalita si former Solicitor General at ngayon ay tumatakbong Senador na si Florin “Pilo” Hilbay sa tunay na estado ng relasyon nila ni Agot Isidro.

Sa naging panayam ng “Abantelliling,” ang online show namin ni Dondon Sermino (na mapapanood sa Abante News Online Facebook page, Abante Tonite YouTube channel), nagbigay ng detalye si Atty. Hilbay sa naging kaganapan ng kanilang samahan ni Agot.

Sa tanong nga kung ano ang nagustuhan sa kanya ni Agot, ang sagot niya ay, “Hindi ako nagpayaman.”

Nagkasunod-sunod ang mga tanong kaya nagbiro agad si Atty. Hilbay na dapat sana ay naimbitahan din ang actress/singer sa interview.

Tukso ng marami, “hindi pa raw tapos ang eleksyon ay panalo na si Hilbay, dahil nasungkit ang puso ni Agot.” At pabirong sabi niya, “Patay ‘pag nasungkit masakit ‘yun.”

Gaano katagal na sila ni Agot?

“Matagal na kaming magkaibigan.”

Sa kuwento ni Pilo, 2017 sila nagkakilala ni Agot sa mga meeting na dinaluhan nila.

“So, nagkaroon ng mga dinner, ng mga lunch, mga inuman, napansin ko na madalas din siya sa mga napupuntahan kong mga gathering.” At doon na nga nagsimula ang pagkikita nila.

Pero, sa unang pagkikita pa lang ba nila ni Agot ay nagka-interes na agad siya rito?

“Sino ba ang hindi magkaka-interes kay Agot, di ba?” sagot niya.

Nanligaw ba siya kay Agot?

“Hindi. Nakipag-dinner.”

Ano ang nagustuhan niya kay Agot bukod sa kagandahan nito?

“Matalino siya, saka very independent. Hindi ka mauubusan ng kuwento.”

Sobrang busy niya, paano siya bumabawi kay Agot?

“You make time. Hindi rason ang busy ka.”

Romantiko ka ba?

“Mahilig akong mag-message. Mahilig ako sa mga sweet nothings.”

Naiintindihan mo rin ang trabaho ni Agot?

“Oo, lalo na yung call time (trabaho) dire-diretso hanggang umaga.”

Nagbabantay ka ba kay Agot sa taping?

“Hindi. Pero minsan nagdadala ako ng pagkain.”

Ano ang reaksyon niya kapag sa kampanya ay may sumisigaw ng pangalan ni Agot?

“Minsan may nagtatanong. Si­yempre, nagsasa­lita  tungkol sa plataporma mo, ‘yung mga plano mo. Tapos ang tanong, ‘kayo ba ni Agot?’”
Pang ilang girlfriend mo na si Agot?

“Hindi ako mahilig magbilang. Meron akong girlfriend nu’ng college, meron akong girlfriend nu’ng law school, meron akong girlfriend nu’ng abogado ako.”Ano ang theme song mo kay Agot?

“You’re body is a wonderland,” sagot nito.

Anyway, memorable nga ang birthday ni Atty. Hilbay nitong March 19 dahil si Agot nga raw mismo ang punong abala, na nagluto pa para sa kaarawan niya.

“Nakakakilig, ‘di ba? Kahit sino kikiligin ‘pag ganun,” sabi ni Atty. Hilbay.

The post Pilo Hilbay super kilig sa pagmamahal ni Agot appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *