Pilita, Claire, Jay-R stranded sa Cebu

Nakakagulat naman ang biglang pagsabog ng Taal volcano. Wala man lang abiso ang mga kinauukulan, at pati sila ay nagulat. Kaya lahat ay nataranta.

pilita claire jay r stranded sa cebu - Pilita, Claire, Jay-R stranded sa Cebu
kapuso - Pilita, Claire, Jay-R stranded sa Cebu

Joe Barrameda Talbog 31 336x224 - Pilita, Claire, Jay-R stranded sa CebuNakakagulat naman ang biglang pagsabog ng Taal volcano. Wala man lang abiso ang mga kinauukulan, at pati sila ay nagulat. Kaya lahat ay nataranta.

Akala mo katapusan na ng mundo, pero ‘yun na nga, panalangin lang ang katapat niyan.

Maraming mga artista ang stranded sa iba’t ibang lugar matapos isara ang NAIA at kanselahin ang mga incoming at outgoing flight.

Gaya ng alaga naming si Ruru Madrid na stranded sa Cebu after nilang magkaroon doon ng Iglesia Ni Cristo activity kasama ang ilang artista na gaya nina Claire dela Fuente, Jay-R, Pilita Corrales at marami pang iba. Hindi pa tiyak kung kailan sila makakabalik.

Si Jeric Gonzales na taga-Calamba, Laguna ay dito naman sa Manila naka-base at malamang punong-puno ng abo ang mga bahay nila doon. Malapit lang ang lugar nila sa Tagaytay at Taal Lake. Ang importante ay safe sila sa Manila. Maski si Thea Tolentino ay taga-Calamba rin.

As of this writing, base sa text ni Ruru ay magbabarko na lang sila pabalik ng Maynila kasama ang mga taga-INC.

Sa text ko naman kay Alden Richards, sinabi lang niya na okey naman ang bahay nila sa Sta. Rosa, Laguna. Pero siyempre, mas malapit sila sa Taal, kaya doble ingat sila roon. At siyempre, umulan din ng abo sa bahay nila.

“Mag-ingat po at dasal po tayong lahat,” sabi pa ni Alden.

Gaya ng dati ay maraming mga artista ang tumutulong sa awareness ng nangyayari sa kapaligiran natin. In their own little way ay tumutulong sila sa pagbibigay-babala sa mga kababayan natin through their social media para sa kani-kanilang kaligtasan.

‘Yan ang kaibahan ng mga Pinoy, halos lahat ay handang dumamay sa mga nasalanta ng kalamidad. Panalangin talaga ang kailangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *