Pia, Ruffa mega chismisan sa US

Alam mo, Dondon, nagulat ako sa kuwento ni Ruffa Gutierrez noong Wednesday.

The post Pia, Ruffa mega chismisan sa US appeared first on Abante News Online.

pia ruffa mega chismisan sa us - Pia, Ruffa mega chismisan sa US
ABANTE pia 6 - Pia, Ruffa mega chismisan sa US

abante anything goes jun lalin 336x224 - Pia, Ruffa mega chismisan sa USAlam mo, Dondon, nagulat ako sa kuwento ni Ruffa Gutierrez noong Wednesday.

Sabi niya, “May dinner kami nina Jonas Gaffud and Pia Wurtzbach mamaya sa Spago. Sabi ko kay Jonas, hindi pa kami nagkikita’t nagkakausap ni Pia kahit kailan. Nagulat siya! Akala niya magkakilala kami ni Pia. Hahaha!”

Actually, sabi ko kay Ruffa, nagulat din ako na hindi pala sila magkakilala ni Pia, huh! Nasa Los Angeles, California rin kasi ngayon si Pia, kaya nagyaya si Jonas na lumabas sila.

Nang magkakasama na nga sila, tinawagan ako ni Ruffa dahil kasama rin daw nila sa dinner ang friend ko na si Imee Ong na owner ng Image Body Spa na ine-endorse ni Pops Fernandez.

Anyway, enjoy naman daw sila sa dinner sa Spago at marami nga raw silang napagtsikahan ni Pia.

“First time namin nagkausap,” sabi ni Ruffa.

Super bonding nga raw sina Ruffa at Pia at after ng dinner sa Spago (nandoon pa kasi sila as I write this) ay balak pa nilang pumunta somewhere para mag-coffee at magkatsikahan pa nang mahaba.

Sabi ko kay Ruffa, buti pa ang brother niyang si R­ichard Gutierrez ay nakatrabaho na si Pia nang pareho silang mag-host ng Binibining Pilipinas 2018 beauty pa-geant grand coronation night.

Sabi ni Ruffa, type rin niya na magka-work sila ni Pia.

Siyanga pala, as you read this, paalis na ng L.A. si Ruffa dahil baka next week ay mag-taping na siya for “Love Thy Woman”.(JUN LALIN)

The post Pia, Ruffa mega chismisan sa US appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *