Pia pinaligaya ni Jeremy sa damuhan

Ang makasama sa kanyang kaarawan ang boyfriend na si Jeremy Jauncey, ang pinakamasayang araw para kay Pia Wurtzbach. Ito ang mensaheng isinulat ni 2015 Miss Universe sa kanyang Instagram, kaugnay sa kanyang birthday celebration.

The post Pia pinaligaya ni Jeremy sa damuhan first appeared on Abante.

pia pinaligaya ni jeremy sa damuhan - Pia pinaligaya ni Jeremy sa damuhan
Pia Wurtzbach 3 - Pia pinaligaya ni Jeremy sa damuhan

Rey Pumaloy Oh Laban Ka 16 300x200 - Pia pinaligaya ni Jeremy sa damuhanAng makasama sa kanyang kaarawan ang boyfriend na si Jeremy Jauncey, ang pinakamasayang araw para kay Pia Wurtzbach. Ito ang mensaheng isinulat ni 2015 Miss Universe sa kanyang Instagram, kaugnay sa kanyang birthday celebration.

Ilang larawan nila ang pinoste ni Pia sa kanyang IG. Merong masaya silang nakaupo sa damuhan ng park.

Kuntento at masaya si Pia sa itinuturing nyang perfect date nila ng kasintahan.

“The perfect birthday date. Kulitan in the park @jeremyjauncey,” sey ni Pia.

Hindi naniniwala ang ilang netizen na ganito lang ang date ng dalawa. Sigurado silang may bonggang paandar si Jeremy para sa kaarawan ni Pia.

Angelica pinagtawanan lalakeng nadulas

Pinagtawanan nina Angelica Panganiban, Pocholo Barretto ang isang malusog na lalake na nakunan ng CCTV na nadulas at natumba habang papasok sa Tipsy Pig resto.

Pinoste ng kasintahan ni Angel Locsin na si Neil Arce ang CCTV na nagpapakita ng footage sa pagkakadulas ng lalake habang nasa entrada pa lang nang nasabing resto-bar.

“Safety protocols before entering @tipsypig_ph because your safety is our priority,” sey ni Neil.

Sa halip na mabahala, maawa, pinagtawana pa ng mga nabanggit na artista ang nangyari sa lalake.

@iamangelicap: “Potah!”

@pocholobarretto: “Hulicaaaaam!”

Parehong may mga emoji na tumatawa ang mensahe ng dalawa.

Pero bago pa nahusgahan ang mga ito sa kanilang reaksyon, matalik nilang kaibigan ang naturang lalake, na chef din sa resto-bar.

Binanggit ni Neil sa kanyang comment ang pangalan ng lalakeng nadulas.

“@chefrain_barbers mukhang fish ang specialty of the day,” sey pa ni Neil.

Mukha namang ayos lang kay chef na pinagtawanan siya ng mga kaibigan na mababasa sa kanyang comment sa video post.

@chefrain_barbers: “Tinesting ko lang kung may disinfectant yung mat! Meron pala!”

Jolo inggit sa kaguwapuhan ni Bong

Malalaman sa birthday greeting ni Cavite Vice Governor Jolo Revilla ang ilan sa mga ninanais ng kanyang amang si Sen. Bong Revilla, Jr. sa kaarawan nito.

Para sa pamilya, kalusugan at ang makatulong pa, ang mensahe ni Jolo sa ama na isinulat niya sa Instagram.

“Happy birthday Papa! Sa paglipas ng panahon, hindi kumukupas ang iyong kagwapuhan at kakisigan dahil hindi ka natanda (sana all!). Ngayong sumapit na naman ang iyong kaarawan, alam ko na ang tanging hiling mo lamang ay ang simplemg kaligayahan na makapiling si Mama, kaming mga anak mo at iyong apo sa espesyal na araw na ito. Alam ko rin na wala kang ibang nais hilingin kundi matapos na ang pandemyang ito upang hindi na mahirapan ang ating mga kababayan. Sa marami mo pang taon na darating, hangad ko na magkaroon ka pa ng lakas ng pangangatawan, talas ng isipan at pusong nag-aalab upang ipagpatuloy ang iyong paglilingkod sa bayan. Salamat sa patuloy mong pagmamahal at pagiging sandigan ng ating pamilya, kaya nalagpasan natin lahat ng unos na dumating sa atin. Alam ko, ano pa mang pagsubok ang kaharapin natin tiyak malalagpasan ng ating pamilya dahil matatag at di matitibag ang haligi ng ating tahanan-ikaw iyon, Papa! Mahal na mahal ka namin! Salamat sa biyaya ng iyong buhay!” sabi ni Jolo.

Leila Alcasid namukadkad ang ganda

Sa kaunaunahang pagkakataon ipinasilip ng anak na dalaga ni Ogie Alcasid na si Leila Alcasid ang kanyang tattoo. Sa kanyang Instagram ay patagilid na kinunan ni Leila ang sarili para lang ibahagi na nadagdagan ang kanyang timbang.

Kasabay nito ay ang pagpapakita rin ng dalaga sa kanyang tattoo sa kanang bahagi, sa gilid ng kanyang katawan.

Bulaklak at maliit na design lang naman ang naka-tattoo sa katawan ng dalaga. At siguradong may blessing ito ng kanyang ama.

Anyways, puring-puri ng lahat ng mga nag-comment ang kagandahan ni Leila na parang ngayon pa lang ito nagsisimulang mamukadkad.

The post Pia pinaligaya ni Jeremy sa damuhan first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *