Pia pinakilala ang dyowa sa ina

Ipinakikilala na pala ni Pia Wurtzbach ang boyfriend na si Jeremy Jauncey sa kanyang inang si Cheryl Alonzo and stepdad Nigel Tyndali na naninirahan sa United Kingdom.

The post Pia pinakilala ang dyowa sa ina first appeared on Abante.

pia pinakilala ang dyowa sa ina - Pia pinakilala ang dyowa sa ina
pia 7 - Pia pinakilala ang dyowa sa ina

NI: VINIA VIVAR

Ipinakikilala na pala ni Pia Wurtzbach ang boyfriend na si Jeremy Jauncey sa kanyang inang si Cheryl Alonzo and stepdad Nigel Tyndali na naninirahan sa United Kingdom.

Matatatandaang lumipad sa London si Pia last July to reunite with Jeremy at isa nga sa binisita nila ay ang pamilya ng beauty queen.

Mapapanood sa YouTube vlog ng ina ni Pia na in-upload last Sept. 14 ang mga kaganapan kung saan ay talagang nagluto pa ng bonggang -bongga si mommy .Naghanda siya ng masarap na pagkain.

Healthy food ang mga nire-quest ni Pia sa mommy niya kaya nagluto ito ng oat blueberry muffin, vegetable frittata, grilled apple chicken sausage at arugula salad.

Pero siyempre, hindi pa rin mawawala ang Pinoy food na kinalakihan ni Pia tulad ng bola-bola with misua at chicken adobo.

Mapapanood sa 2-part video ang masayang tsikahan at kwentuhan nina Jeremy, Pia and parents and mukha namang boto si Mommy Cheryl sa bagong boyfriend ng anak.

Sa tsikahan nila ay makikitang madaling nakapalagayan ng loob ng mag-asawa si Jeremy . On the other hand ay mas nakilala ni Jeremy nang husto ang pamilya ni Pia.

In fairness, bagay na bagay sina Pia and Jeremy at ito rin ang napansin ng mga netizen na nag-comment sa vlog. Wish nila na sana raw ay magkatuluyan ang dalawa .

The post Pia pinakilala ang dyowa sa ina first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *