Pia nairita sa paglaya ni Pemberton

Awa ang naramdaman ng ilang mga celebrity matapos bigyan ng pardon ni Pres. Duterte ang Amerikanong si Pemberton sa kasong pagpatay kay transgender Jennifer Laude.

The post Pia nairita sa paglaya ni Pemberton first appeared on Abante.

pia nairita sa paglaya ni pemberton - Pia nairita sa paglaya ni Pemberton
abante pia - Pia nairita sa paglaya ni Pemberton

Rey Pumaloy Oh Laban Ka 14 300x200 - Pia nairita sa paglaya ni PembertonAwa ang naramdaman ng ilang mga celebrity matapos bigyan ng pardon ni Pres. Duterte ang Amerikanong si Pemberton sa kasong pagpatay kay transgender Jennifer Laude.

Kanya-kanyang tweet ang mga artista laban kina Digong at Pemberton.

“Tuwing nagbabasa ako ng balita, palala nang palala yung mga nababasa ko. Ngayon, ito naman? Hay…let’s all make sure we register to vote for the next elections. Each one of us,” sabi ni Pia Wurtzbach.

“Di ko ma-imagine ang sakit na muling nararanasan ng pamilya at mga mahal ni Jennifer Laude ngayon. #JusticeForJenniferLaude,” saad ni Bianca Gonzales.

Shalala muntik mabudol-budol

Base sa kanyang kuwento at karanasan, muntik mabudol-budol ang komedyanteng si Shalala. Sa Facebook ni Shalala ikinuwento niyang iniba ng driver ng sinasakyan niyang taxi ang daan pauwi sa kanyang bahay, kahit itinuro na nito ang dapat nyang daanan.

Nagsimula ang kuwento ni Shalala nang magkuwento ang driver sa problema nito sa pera habang bumibyahe sila pauwi sa kanyang bahay.

Nag-panic si Shalala nang hindi niya alam ang lugar na dinaanan nila, kahit alam niyang malapit na doon ang bahay niya.

Mula sa pinagtanungang mga bata, iginiit ni Shalala sa driver na idaan siya sa unang kalye, na tinanggihan daw ng driver dahil bawal pumasok.

At 30 minutes daw natulala si Shalala nang makarating sa bahay dahil sa takot na posibleng naholdap siya at nanganib ang buhay. Ang mga netizen ang nagsabing budol-budol ang naranasan niya.

Walang raket: Carla nagbebenta ng condo

Ibinebenta ni Carla Abellana ang kanyang fully furnished condo unit sa Pasig, City. Pinoste ni Carla ang mga larawan ng interior ng condo unit na may sukat na 68 square meters, kasabay ang panawagan na ‘for sale’ ito. Maganda ang interior ng unit at ang metropolis view nito.

Hindi nilinaw ni Carla ang rason ng pagbebenta ng unit, pero dahil nasa pandemya tayo, at marami ang hindi pa nakakabalik sa trabaho, inisip ng iba na pantawid sa pang-araw-araw nitong pangangailan at suporta sa kanyang ina at lola ang rason.

Marami ang intresadong alamin ang presyo ng condo.

Pamilya ni Yasmien nalagay sa peligro ng virus

Masuwerte si Yasmien Kurdi na nakabalik na siya sa trabaho. Pinoste ni Yasmien sa Instagram ang larawan na naka-facemask siya sa taping ng “The Promise.”

Lock in taping ang buong team na siyang ipinapatupad sa ngayon. At pag-uwi niya ay sinorpresa siya ng asawa at anak, sa inayos na kuwarto na may bulaklak.

Ang naturang kuwarto raw ang magiging quarantine facility niya para makasiguro sa kaligtasan ng pamilya dahil galing siya sa taping.

Pero nalagay sa peligro ang asawa at anak nang salubungin siya ng mga ito at samahan sa inihandang kuwarto. May facemask si Yasmien, pero ang asawa at anak ay hindi.

Dimples sumulat ng libro

Para may pagkaabalahan ngayong pandemya, dahil wala ngang acting project nang ipasara ang Kapamilya network, naglabas ng sarili nyang libro si Dimples Romana, ang “Dimps Tips”.

Proud na pinoste ni Dimps ang latest achievement bilang manunulat sa kanyang Instagram. Sabi ni Dimples, hindi raw niya lubos maisip na makakapagsulat siya ng libro.

Hindi sinabi ni Dimples kung ano ang nilalaman ng libro pero sa cover nito, malalamang guide ito para sa mga nanay sa kung ano ang dapat gawin sa kanilang pang-araw araw na buhay.

The post Pia nairita sa paglaya ni Pemberton first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *