Pia boobs, singit ang b-day treat sa mga fan

Ang ganda ng timing ni Pia Wurtzbach, na habang aburido ang lahat sa matinding trapik sa Metro Manila, at ang pagtingin-tingin sa social media ang puwedeng pagkaabalahan, na pang-alis asar, hayun nga siya at nagpapasarap sa Bali, Indonesia.

pia boobs singit ang b day treat sa mga fan - Pia boobs, singit ang b-day treat sa mga fan
pia 9 - Pia boobs, singit ang b-day treat sa mga fan

Ang ganda ng timing ni Pia Wurtzbach, na habang aburido ang lahat sa matinding trapik sa Metro Manila, at ang pagtingin-tingin sa social media ang puwedeng pagkaabalahan, na pang-alis asar, hayun nga siya at nagpapasarap sa Bali, Indonesia.

Sana all! Sana oil ulit ang reaksyon ng mga fan, lalo na ‘yung naghahangad na makasama siya, o mayakap, at masilip nang malapitan ang kanyang kaseksihan.

“Found my tropical paradise here in Bali. #bali #indonesia!” simpleng caption ni Pia.

Pero, ‘yun na nga, pasabog na naman ang posing ni Pia, na nakasabit, nakatayo sa isang puno, at super pulang swimsuit ang kanyang suot, na lantad na naman ang bababoom niyang boobey at singit, ha!

Well-deserved birthday vacation nga raw ito ni Pia, sabi ng mga kaibigan niya. September 24 nga ang birthday ni Pia, at base sa Wikipedia ay 30 years old na siya, ha!

Pero, ‘yun nga, habang tumatanda, nagkakaedad si Pia, lalo nga itong sumeseksi. Pero, ang tanong ng mga fan, kailan mag-aasawa si Pia? Kailan magpapakasal kay Marlon Stockinger!?

Aba, may hinahabol nga naman na edad ang mga babae na para magkaanak sila. ‘Di ba nga, sina Judy Ann Santos, Marian Rivera, hinabol talaga ang edad na 33 para hindi sila mahirapang magpakasal?

Well, sa ngayon, hayaan na muna nating i-enjoy ni Pia ang pagpapakita ng kanyang kaseksihan, dahil mga ilang taon pa ang daraan, siguradong ang pagiging ina naman ang aasikasuhin niya. (Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *