Pia bilib sa ganda, talino ng mga kandidata sa Bb. Pilipinas

Proud na proud si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa latest­ batch ng Binibining Pilipinas candidates.

The post Pia bilib sa ganda, talino ng mga kandidata sa Bb. Pilipinas appeared first on Abante News Online.

pia bilib sa ganda talino ng mga kandidata sa bb pilipinas - Pia bilib sa ganda, talino ng mga kandidata sa Bb. Pilipinas
pia 2 1 - Pia bilib sa ganda, talino ng mga kandidata sa Bb. Pilipinas

Proud na proud si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa latest­ batch ng Binibining Pilipinas candidates.

Kinilala nga raw ni Pia ang lahat ng candidates at pakiramdam niya ay may ilan na mananalo ulit sa international pageants.

“Although I haven’t memorized all their names, tsaka ‘yung probinsya nila, aware naman ako. Ang daming­ magaganda ngayon.

“Malakas ang batch ngayon and I feel they are beyond prepared.

“Everybody looks good, everybody speaks well, lahat may advocacy, parang napaghandaan talaga. At lahat may pasabog na pictures ha,” sey pa ni Pia.

Natutuwa si Pia tuwing pageant season sa Pilipinas dahil hindi nawawala sa kanyang alaala ang tatlong beses niyang pagsali sa Bb. Pilipinas bago siya nakoronahan bilang ikatlong Miss Universe ng bansa.

Ang kaibahan daw ng mga candidates ngayon, sobra raw silang sipag na mag-post ng mga photos nila on social media.

“Every day may ‘oh bago na naman’ na photos. I’m thinking like, ‘Where do they have the time to take these pictures?’ Parang hindi sila napapagod.

“Because when I was competing, pagod na pagod ako at wala akong time mag-glamor shots. Competitive na kasi talaga ngayon.

“That is good kasi doon mo makikita kung sino ang pursigido na manalo ng title,” pagtatapos pa ni Pia. (Ruel Mendoza)

The post Pia bilib sa ganda, talino ng mga kandidata sa Bb. Pilipinas appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *