Phillip Salvador, Michael de Mesa leading men ni Nora sa MMFF

Confirmed na sina Philip Salvador at Michael de Mesa bilang leading men ni Nora Aunor para sa pelikulang “Isa Pang Bahaghari” na balak isali ng Heaven’s Best Entertainment sa 2019 Metro Manila Film Festival.

The post Phillip Salvador, Michael de Mesa leading men ni Nora sa MMFF appeared first on Abante News Online.

phillip salvador michael de mesa leading men ni nora sa mmff - Phillip Salvador, Michael de Mesa leading men ni Nora sa MMFF
abante Nora Aunor - Phillip Salvador, Michael de Mesa leading men ni Nora sa MMFF

Pamalit kina Boyet, Pip:

abante i know better jun nardo 336x224 - Phillip Salvador, Michael de Mesa leading men ni Nora sa MMFFConfirmed na sina Philip Salvador at Michael de Mesa bilang leading men ni Nora Aunor para sa pelikulang “Isa Pang Bahaghari” na balak isali ng Heaven’s Best Entertainment sa 2019 Metro Manila Film Festival.

Ang line-producer ng movie na si Dennis Evangelista ang naglabas ng kumpirmasyon sa pagsagot sa project nina Philip at Michael sa kanyang Facebook page.

Si Joel Lamangan ang magiging direktor ng pelikula na balitang sequel ng “Rainbow’s Sunset” na naging most awarded picture sa last year’s MMFF.
Inaayos na lang ang iba pang cast at isusumite ito sa MMMF Committee kapag finished product na.

Last year’s filmfest, ganito rin ang ginawa ng Heaven’s Best Entertainment at masuwerteng napili bilang isa sa Final 4 official entries.

Sina Tirso Cruz III at Christopher de Leon ang mga unang kinunsidera para maging leading men ni Nora sa pelikula.

Kit Thompson palaban sa hubaran

May-December affair ang kuwento ng Cinemalaya entry na “Belle Douleur (Beautiful Pain)”, ang directorial mainstream debut ni Atty. Joji Alonso. Bida rito sina Mylene Dizon at Kit Thompson.

Ang intriga kay Atty. Joji, parang base sa tunay na buhay niya ang istorya.
“No, never akong nagkagusto sa younger sa akin. Not once,” tanggi ng lawyer-producer-director nang makausap ng press.

“Gastos ‘yun! Ha! Ha! Ha!” rason niya.

Mahigit 18 years bago natupad ang pa-ngarap niyang ma-ging film director. Bago ang Cinemalaya film, naka-gawa na siya ng short film, ang “Last Order”.

“I was 10 or 9? Gusto ko nang magdirek. Strangely kasi my sister for example, yayayain akong manood ng John Travolta. ‘Yun ‘yung mga sikat na artista that time.

“Ako naman gusto kong manood ng Lino Brocka, ng Ishmael Bernal, ng Mike de Leon. Gusto kong manood ng ‘Kisapmata’, puro patayan. Sabi ko, hindi. Gusto ko ‘yung ang ganda-ganda, ibang-iba. Kasi I saw film not just a mode of storytelling but very powerful medium, it’s not just and entertainment at all,” saad niya.

Komo may pagka-sexy ang film, dumaan sa sensuality workshop sina Mylene at Kit.

“I saw the fire in the two so sabi ko, heto na. Oo, may fire! Sobrang ano ‘yung physical ano nila eh. Bagay na bagay silang dalawa. When you watch the film, you’d wish that they up together,” sey ni Atty. Joji.

Mas matapang nga raw si Kit sa hubaran dahil sa isang love scene, aba, siya itong gustong walang takip ang buong katawan, huh!

The post Phillip Salvador, Michael de Mesa leading men ni Nora sa MMFF appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *