Peter Fonda patay sa lung cancer

Nagluksa ang Hollywood dahil sa pagpanaw ng aktor na si Peter Fonda sa edad na 79. Respiratory failure due to lung cancer ang naging sanhi ng pagpanaw ng aktor.

peter fonda patay sa lung cancer - Peter Fonda patay sa lung cancer
abante peterfonda - Peter Fonda patay sa lung cancer

Nagluksa ang Hollywood dahil sa pagpanaw ng aktor na si Peter Fonda sa edad na 79. Respiratory failure due to lung cancer ang naging sanhi ng pagpanaw ng aktor.

Anak si Peter ng legendary actor na si Henry Fonda at younger brother siya ng aktres na si Jane Fonda. Anak naman ni Peter ang aktres na si Bridget Fonda.

Ito ang official statement mula sa Fonda family:

“It is with deep sorrow that we share the news that Peter Fonda has passed away. Peter passed away peacefully on Friday mor­ning, August 16 at 11:05 a.m. at his home in Los Angeles surroun­ded by family.

“The official cause of death was respiratory failure due to lung cancer.

“In one of the saddest moments of our lives, we are not able to find the appropriate words to express the pain in our hearts. As we grieve, we ask that you respect our privacy.

“And, while we mourn the loss of this sweet and gracious man, we also wish for all to celebrate his indomitable spirit and love of life. In honor of Peter, please raise a glass to freedom.”

Sinundan ni Peter ang yapak ng kanyang ama bilang isang aktor. Acting debut ni Peter ay noong 1961 sa Broadway production of Blood, Sweat, and Standley Poole.

Sumikat sa big screen si Peter noong 1969 dahil sa pelikulang “Easy Rider” kunsaan co-star niya si Jack Nicholson. Bilang co-wri­ter ng movie, nakakuha ng best original screenplay nomination si Peter sa Oscars.

In 1997, nakakuha ng kanyang first Oscar best actor nomination si Peter para sa pelikulang “Ulee’s Gold”.

Naging aktibo rin sa paglabas sa ilang TV series si Peter tulad ng “ER”, “Californication”, “CSI: NY”, “Hawaii Five-O”, “The Blacklist”, and “Milo Murphy’s Law”.

At the time of his death, he was in pre-production for a movie called “Skate God”, expec­ted to release in 2020.

Ang huling pelikulang natapos niya ay ang “The Last Full Measure” na ipapalabas sa taong ito.

(Ruel Mendoza)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *