‘Pera’ ugat ng away?

Nagsimula bilang modelo, pero, ang pelikula ng Regal Films na “14 Going Steady” ang isa sa para sa amin sa talagang nagpakilala sa napakaganda naman talagang si Gretchen Barretto (49).

pera ugat ng away - ‘Pera’ ugat ng away?
gretchen x marjorie x claudine - ‘Pera’ ugat ng away?

Nagsimula bilang modelo, pero, ang pelikula ng Regal Films na “14 Going Steady” ang isa sa para sa amin sa talagang nagpakilala sa napakaganda naman talagang si Gretchen Barretto (49).

Gumawa muna si Gretchen ng mga pelikula sa Regal bago siya inilunsad ng Seiko Films bilang “ST Queen”. ST is ‘Sex Trip’, ha!

Sa pamilya Barretto, si Gretchen talaga ang nagbukas ng pinto para makapasok sa showbiz ang iba pa niyang mga kapatid – ang mga ka-extremely love-hate relationship niya na sina Marjorie Barretto at Claudine Barretto that eventually lead naman sa mga pamangkin niya – to name a few, Cholo Barretto, Claudia Barretto and Julia Barretto.

Kung si Gretchen ay sa pelikula ng Regal unang nakilala bilang isang artista, ang kapatid na si Marjorie (45) ay sa Viva Films movie na “Makuha Ka sa Tingin” naman unang nakilala, kunsaan kasama niya sina Robin Padilla at Gelli de Belen.

Ang bunso ng mga Barretto, si Claudine, ay maituturing na network’s gem nang magsimula ito sa ABS-CBN’s “Ang TV” noong 1992. Nasundan na ng iba pang mga shows ng ABS-CBN at mga pelikulang pinagbidahan niya sa Star Cinema.

Sa kanilang tatlo, wala namang duda na si Claudine ang pinaka-sumikat sa kanila, given the title of “Optimum Star”.

Sina Gretchen at Claudine equally shared being controversial – lalo na pagdating sa kanilang love life o relasyon. Habang si Marjorie, always the lesser shining star at controversial man for a while, lalo na sa paghihiwalay nila ng dating asawa na si Dennis Padilla at ang relasyon daw nito sa dating Mayor ng Caloocan City na si Recom Echiverri, to whom, her youngest child (na kailan lang din naipakilala) na siyang ama.

Ang tanong, bakit sila nag-aaway? Bakit ang lalim ng galit nila sa isa’t isa? Bakit kaya nilang isumpa ang bawat isa? Bakit parang hindi sila magkakapatid?

Belive it or not, Gretchen, Marjorie and Claudine was once super close to each other.

Kung paniniwalaan namin ang mga kuwento ng mga taong nakakasama nila dati, ang talagang close sa isa’t isa ay sina Gretchen at Claudine. Si Gretchen bilang very proud at protective sa kanilang bunso. While Claudine was also close to her both “ate”.

Na sa kanilang tatlo, it was Claudine na talagang super love rin ang mga pamangkin niya and even spend for them – lalo na nga raw sa mga anak ni Marjorie noon.

While Marjorie naman was really close to Claudine then. Kung ang mga kuwento, balitang lumalabas, sa kanilang tatlo, tila si Marjorie ang mas tumatanggap ng “biyaya” mula kina Gretchen at Claudine.

Si Gretchen na living a rich life with her live-in partner, Tony Boy Cojuangco at si Claudine naman na isa sa masasabing highest paid young actress at that time.

***

ANG SIMULA NG GIYERA

Hindi namin makalimutan ang kuwento ng dating aktibo pang talent manager na siyang nagka-cast kay Gretchen noon sa mga TV commercial at endorsement.

Ang larawan ng teenage Gretchen ang mas nakilala niya. Galing sa bayan ng Zambales, mula sa pamilya na lutang ang mga pisikal na ganda. Ayon dito, hindi tahasang masasabi na mayayaman, pero hindi rin puwedeng sabihing mahirap.

Middle class sila.

Ang tatay nila na ngayon ay sumakabilang buhay na with an unfulfilled wish na magkabati-bati na ang pamilya niya na si Miguel Barretto ay board member noon sa Subic Bay Management Authority.

At noon, kapag nagtatrabaho ka sa Subic Bay, may impression na kahit paano, “nakaaangat-angat” sa buhay.

Pero ayon sa dating manager, “Barretto from the mother Inday Barretto are beautiful and who would want more in any way. It was Gretchen who’s really working and giving money to their mother, Inday.”

Kaya raw hindi nila masisi si Gretchen noon who had different affairs and went with the business tycoon, Tony Boy.

So, bakit pa rin nauwi sa matinding gulo, away o giyera ng pamilya ang lahat? They now have money. Their own careers and even other non-showbiz siblings – ang iba ay may mga sariling trabaho rin at pamilya.

‘Yung galit ba ni Gretchen at sa loob ng maraming taon na pagdistansiya nito at tila walang magulang na nag-e-exist sa kanya gaya ng sapantaha ng ilan ay dahil sa pagod na sa pagbibigay?

Pakiramdam ba nito ay kawalan ng utang na loob ng mga kapatid tulad ni Marjorie sa kanya kaya ang galit nila ay tila abot hanggang langit? Na kahit na maging isa silang malaking scandal sa paningin ng lahat, isinantabi ang pagbibigay ng respeto at pagtupad sa kahilingan ng namayapang ama ay mas nanaig kesa ang pagiging isang magkadugo at pamilya?

Si Marjorie nga ba ay “recipient” lang palagi noon at ngayong nakaluwag-luwag na ay mas lumakas na rin ang loob na kalabanin, lalo na ang “Ate Gretchen” niya?

Pero, bilang ina, grabe ‘yung respeto at pagmamahal ng mga anak ni Marjorie sa kanya. Kung ilalaban ni Marjorie ng patayan ang mga anak, tila kaya rin itong gawin ng mga anak niya sa kanya.

Nagkaroon din ng samaan ng loob si Marjorie at mga magulang. Ito ‘yung time na sa maikling panahon, sina Gretchen at Marjorie ang magkakampi habang si Claudine at mga magulang niya ang kasama. Panahong halos itakwil at isumpa ni Inday ang anak na si Gretchen.

‘Yung samaan ng loob nina Marjorie at mga magulang ay hindi nagtagal. Katulad ng normal na anak, bumalik ito sa mga magulang at nagkaayos din sila ni Claudine.

Pero katulad ng isang roller coaster sa circus na kinasasangkutan ng mga Barretto, wala silang permanenteng kakampi o kaaway.

Pero sa labasan ng mga baho nila ngayon, lalaking naugnay sa kanilang lahat, may pag-asa pa kaya silang magkabati o ang ina, si Inday na sana ay kayang pasunurin at ayusin ang gusot ng pamilya ay magiging “sala sa init at sala sa lamig” pagdating pa rin sa kakampihan at hindi sa mga anak.

(Itutuloy)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *