‘PBB’ bubuhayin sa A2Z

Ngayong napapanood na ulit sa free TV sa pamamagitan ng A2Z channel ang mga show ng ABS-CBN, kanya-kanya ring request ang mga fan sa mga palabas na gusto nilang mapanood.

The post ‘PBB’ bubuhayin sa A2Z first appeared on Abante.

pbb bubuhayin sa a2z - ‘PBB’ bubuhayin sa A2Z
pbb - ‘PBB’ bubuhayin sa A2Z

Ngayong napapanood na ulit sa free TV sa pamamagitan ng A2Z channel ang mga show ng ABS-CBN, kanya-kanya ring request ang mga fan sa mga palabas na gusto nilang mapanood.

Isa sa mga chinichikang babalik ay ang makasaysayang reality show na “Pinoy Big Brother,” matapos mag-post si Direk Lauren Dyogi sa social media na tila nagpapahitawig ng muling pagbubukas ng Bahay ni Kuya.

Sa Twitter, ibinahagi ni Direk Lauren ang isang video ng “Pinoy Ako” na inawit ng Orange and Lemons na sinundan niya ng tweet na “Nakaka-miss din!”

Hindi pa siya nagpaawat dahil nag-post din siya sa Instagram ng litrato ng isang toy carabao na may caption na, “Pinoy Ako, Pinoy Tayo! Ipakita sa buong mundo kung ano ang kaya mo…”

Kahit si Melai Cantiveros na naging “PBB” Big Winner ay naintriga at nagtanong sa post ng “What is the meaning of this?”

Ngayon pa lang ay marami na ang gustong sumali at magpa-audition sa bagong season dahil nga marami na itong natulungang ordinaryong tao na natupad ang pangarap.

Isa na nga si Maymay Entrata na kamakailan lang ay lumipat na sa brand new house and lot mula sa Camella, na siyang premyo bilang Big Winner noong 2017.

Pero, puwede namang balikan ng mga viewer ang season ni Maymay sa “PBB Balikbahay Edition,” tampok ang replay ng “PBB” episodes, gabi-gabi tuwing 11:15 PM sa Kapamilya Channel sa cable at satellite TV. (Dondon Sermino)

The post ‘PBB’ bubuhayin sa A2Z first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *