Paulo, Zanjoe mainit ang talakan

Kung sanay tayong babae ang mga nagtatarayan at sagutan sa mga teleserye, mga lalaki naman ang nagbabangayan sa bagong ABS-CBN teleseryeng “Walang Hanggang Paalam.”

The post Paulo, Zanjoe mainit ang talakan first appeared on Abante.

paulo zanjoe mainit ang talakan - Paulo, Zanjoe mainit ang talakan
Kapamilya 3 - Paulo, Zanjoe mainit ang talakan

Kung sanay tayong babae ang mga nagtatarayan at sagutan sa mga teleserye, mga lalaki naman ang nagbabangayan sa bagong ABS-CBN teleseryeng “Walang Hanggang Paalam.”

Unang linggo pa lang nito, ang tindi na nang banggaan ng mga karakter nina Paulo Avelino at Zanjoe Marudo na nauwi pa sa suntukan.

Hindi kasi magkasundo sina Emman (Paulo) at Anton (Zanjoe) sa plano nilang pagsagip kay Robbie, ang nakidnap na anak nina Emman at Celine (Angelica Panganiban).

Sa isang eksena, hindi napigilan ng dalawa na magbitiw ng masasakit na salita habang inaawat sila ni Celine hanggang nag walk-out na lang si Emman. Mukhang titindi pa nga ang love triangle nila sa kwento.

Pero obserbasyo ng mga fan, kung naging mainit ang sagutan nina Paulo at Zanjoe, sinabayan naman ito ng Kamara na mistulang nagpalabas ng teleserye nitong Setyembre 30, nang mag-speech si House Speaker Alan Peter Cayetano para ianunsyo ang pagre-resign niya sa kanyang posisyon.

Hindi naman natuwa si Rep. Lito Atienza sa “drama” na ito, lalo na’t tinanggihan ang resignation ni Cayetano nina Rep. Mike Defensor at Rep. Jose Antonio Sy Alvarado.

“You created a drama. You create a script, you follow the script. The same voice you have depended on in killing ABS-CBN to the same one maneuvering on the floor,” sabi ni Atienza.

Ano kaya ang susunod na kabanata sa teleserye sa Kamara?

The post Paulo, Zanjoe mainit ang talakan first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *