Paulo peke ang ‘nota’

Sa halip na magpaliwanag ni Paulo Avelino sa pagpapakita niya ng ‘nota’ sa “Fan Girl” na entry sa Metro Manila Film Festival 2020, nang-inis pa siya lalo.

The post Paulo peke ang ‘nota’ first appeared on Abante.

paulo peke ang nota - Paulo peke ang ‘nota’
abante avelino - Paulo peke ang ‘nota’

FINAL columnists OH Laban ka rey pumaloy 1 1 300x180 - Paulo peke ang ‘nota’Sa halip na magpaliwanag ni Paulo Avelino sa pagpapakita niya ng ‘nota’ sa “Fan Girl” na entry sa Metro Manila Film Festival 2020, nang-inis pa siya lalo.

Nag-tweet si Paulo ng emoji na nakadila, kumikindat.

#FanGirlMMFF Emoji only reaction, at saka idinugtong ang nakadila at nakakindat na emoji.

Iba-iba ang mababasang reaksyon ng mga fan sa tweet ni Paulo, kaugnay sa kontrobersyal na pagpapasilip niya ng ‘junjun’ sa pelikula habang umiihi sa eksena.

Ang ilang die-hard ay nagsabing nagtampo sila sa aktor dahil pumayag itong ipakita ang kanyang “Santa Claus” sa eksena. Nawala raw ang wholesome ng image ng kanilang idol.

Kinontra naman ito ng ibang lumigaya nang masilip ang private part ng aktor.

Pero, marami ang nagsasabing prosthetics lang ang ‘ari’ at hindi ito gagawin ni Paulo.

Ganun man, nakatulong sa promo ng movie ang ‘ari’ dahil marami ang nagsasabing magta-top ito sa festival.

***

Mariel mahal ng mga anak ni Robin sa iba

Espesyal ang naging selebrasyon ng Pasko ng pamilya nina Robin Padilla at Mariel Rodriguez. Dumating ang panganay ni Robin kay Liezl na si Queenie Padilla, kasama ang mister nito.

Nakaposte sa Instagram ni Mariel ang larawan nina Queenie at ng younger sister na si Kylie Padilla-Abrenica. Karga pa ni Kylie ang half-sister nito kina Robin at Mariel, si Gabriela, habang napapagitnaan nila ni Queenie ang nakatayong si Isabela.

Tuwang-tuwa si Mariel sa reunion na ito dahil kauna-unahang pagkakataong nagsama-sama ang magkakapatid.

Anyway maganda talaga ang relasyon ni Mariel sa mga anak ni Robin, kaya hindi katakataka na magiliw rin ang mga ito sa kanilang mga half-sister kay Robin.

***

Mayor Vico ‘di kinalimutan si Bossing Vic

Kahit abala nitong Pasko sa pamamahala sa Pasig City bilang Mayor, hindi kinalimutan ni Vico Sotto ang amang si Vic Sotto.

Pinoste ni Pauleen Luna ang larawan ng komedyante na kasama sina Vico at Talitha.

Nagpasalamat si Pauleen kay Vico sa pagbisita sa kanila. First time raw nakita ni Vic si Vico mula noong mag-pandemic.

Alam ng lahat na delikado kina Vic at Tali ang makipagkita sa kahit na sino dahil sa banta ng COVID-19. Lalo sa sitwasyon ni Vico na ‘expose’ sa kanyang mga kababayan na personal niyang tinutugunan ang pangangailangan ng mga ito.

The post Paulo peke ang ‘nota’ first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *