Paulo nagpaguwapo para kay Janine

Noong isang araw ay nag-goodbye na si Paulo Avelino sa mahaba niyang buhok. Nagpagupit na si Paulo dahil new look na siya sa pelikula nila ni Janine Gutierrez, ang “If We Don’t Make It” na magsisimula na ang shooting on Monday.

paulo nagpaguwapo para kay janine - Paulo nagpaguwapo para kay Janine
janine x paulo - Paulo nagpaguwapo para kay Janine

Jun Lalin Anything Goes 40 336x224 - Paulo nagpaguwapo para kay JanineNoong isang araw ay nag-goodbye na si Paulo Avelino sa mahaba niyang buhok. Nagpagupit na si Paulo dahil new look na siya sa pelikula nila ni Janine Gutierrez, ang “If We Don’t Make It” na magsisimula na ang shooting on Monday.

Nanghinayang man sa buhok, ok na rin kay Paulo ‘yon dahil gusto naman niyang maiba ang look niya sa pelikulang pagtatambalan nila ni Janine.

Dahil magtatambal na sina Janine at Paulo, may hiling ang mga fan na kilig-kiligan sa kanila ng sinasabing boyfriend niya na si Rayver Cruz.

Sana naman daw sa next project ni Janine ay si Rayver na ang gawing leading man.

Teka! Nag-meeting na si Janine kamakailan with Roselle Monteverde ng Regal Entertainment for a new project, bakit hindi na lang si Rayver ang gawing leading man doon?

Puwede, what do you think, Roselle?

Maja ‘di pa handang pakasal kay Rambo

In fairness to Maja Salvador, mukhang ayaw niyang i-pressure ang boyfriend na si Rambo Nuñez na mag-propose na sa kanya, kaya naman sa contract signing niya bilang image model ng Mags apparel ay sinabing hindi pa naman niya iniisip talaga na magpapakasal na.

Pero sabi niya, sobrang happy naman siya sa piling ni Rambo.

Actually, close siya sa mommy ni Rambo, si Marilyn Nuñez na kilala sa showbiz dahil sa mga event na sinasalihan ng maraming celebrities.

Sabi ni Maja, pati sa sister ni Rambo, si Yanee, ay close rin siya.

Si Rambo naman, close rin sa nanay ni Maja, kay Mommy Thelma, na based na ngayon sa Canada at dadalawin nila roon kapag nag-Christmas break ang dalaga sa taping ng “The Killer Bride” ng ABS-CBN.

Anyway, going back to kasal, marami ang naniniwalang sa kasalan na ang magiging ending ng relasyon nina Maja at Rambo, huh!

Ang bongga!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *