Paulo Avelino umamin sa tangkang suicide

Marami ang nakapansin na tila naging seryoso ang mood ni Paulo Avelino sa kanyang mga tweet, ha!

paulo avelino umamin sa tangkang suicide - Paulo Avelino umamin sa tangkang suicide
paulo avelino 2 - Paulo Avelino umamin sa tangkang suicide

Marami ang nakapansin na tila naging seryoso ang mood ni Paulo Avelino sa kanyang mga tweet, ha!

Una na nga ay bigla siyang nagpagupit, na sabi ay para sa movie nila ni Janine Gutierrez. Bagama’t marami ang nagulat, pero natuwa naman sila dahil mas clean tingnan si Paulo ngayon, at lumabas lalo ang kaguwapuhan niya.

Pero biglang nag-alala ang mga fan nang biglang mag-post ang aktor tungkol sa suicide hotline ng “Hope” dahil baka may pinagdaraanan nga itong malala.

Sinundan pa ng total black picture na may caption na pagbabala sa mga makababasa ng kanyang post tungkol nga sa mga nakararanas ng depresyon.

“ARELY do I share personal stuff on my social media accounts but I think its time I talked about this dark period in my life because I know that someone out there is going through the same thing. I want you to know that everybody has issues and sometimes you seeing other people have them will help you cope with your own,” sey ng aktor.

Ikinuwento pa ng aktor na naranasan niya nga rin ang matinding depresyon to the point na kinandado niya ang sarili sa kuwarto mag-isa.

“Locked myself at home, turned down almost every job that came in and shut myself off from work, friends, family, the world. I am introvert. And as an introverted person I was so used to keeping my thoughts to myself. Even when I wanted to share stuff, I truly didn’t know how to. I didn’t know how to voice out all these feelings and thoughts inside me,” kuwento pa ng aktor.

Nagpayo pa si Paulo sa mga sumasailalim sa depresyon na huwag mahiya o matakot na mag-voice out ng kanilang nararamdaman.

Anyway, hindi lamang si Paulo ang celebrity na sumuporta o nagtaas ng adbokasiya tungkol sa mga may depresyon, kasama rin na nagre-raise ng awareness ay ang aktres na si Iza Calzado.

Dahil diyan, lalong hinangaan si Paulo ng kanyang mga kapwa artista at mga fan. (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *