Pauleen namumukadkad ang kagandahan

Sa mga makikita nang personal kay Pauleen Luna sa kasalukuya’y hindi aakalain ng mga itong nanganak at nanay na ito ngayon. Posibleng masabihan din ang isa sa mga host ng “Eat Bulaga” na masuwerte ang mister nitong si Vic Sotto sa pagkakaroon ng asawang gaya niya.

pauleen namumukadkad ang kagandahan - Pauleen namumukadkad ang kagandahan
pauleen - Pauleen namumukadkad ang kagandahan

Rey Pumaloy Oh Laban Ka 22 336x224 - Pauleen namumukadkad ang kagandahanSa mga makikita nang personal kay Pauleen Luna sa kasalukuya’y hindi aakalain ng mga itong nanganak at nanay na ito ngayon. Posibleng masabihan din ang isa sa mga host ng “Eat Bulaga” na masuwerte ang mister nitong si Vic Sotto sa pagkakaroon ng asawang gaya niya.

Napakaganda ngayon ni Pauleen na parang ngayon pa lang namumukadkad. Pumayat na kasi at naggu-glow ang masayang aura nito dahil sa maayos at masayang pagsasama nila ni Vic.

Well, kudos din kay Vic sa pagpapasaya at pagpaparamdam ng pagmamahal kay Pauleen. Sa isang post ni Pauleen ng larawan nila ni Vic, ipinangalandakan niya kung gaano niya nami-miss at kamahal ang komedyante.

Kasi nga ay subsob ngayon si Vic sa shooting para sa MMFF movie entry nito.

Dianne Medina super gipit, sagad sa trabaho

Ayaw paawat ng future wife ni Rodjun Cruz na si Dianne Medina sa pagtatrabaho, kahit na sa mismong linggo ng kanilang kasal. Sa Dec. 21 ang wedding nina Dianne at Rodjun, pero hanggang Dec. 19 ay magtatrabaho pa ang actress/host.

Naka-post sa Instagram ang sagot ni Dianne sa mga nagtatanong kung magpapahinga na ba ito sa December para asikasuhin ang iba pang detalye sa kanilang kasal.

Ang sinagot ni Dianne ay hanggang Dec. 19 pa siya tatanggap ng mga project, raket, kahit Dec. 21 na ang kasal nila. Mukhang hindi magkakaroon ng mahabaang araw sa honeymoon ang dalawa, dahil balik-trabaho na agad si Dianne sa December 27.

Parang hindi pa sapat kay Dianne ang naka-line up niyang mga trabaho hanggang December dahil nanawagan pa siya ng mga kliyente na gusto siyang kunin para mag-organize ng event o kunin siya bilang host, performer.

Marami tuloy ang nagtatanong kung bakit sagad-sagaran itong magtrabaho na parang gipit. Lumalabas tuloy na seremonyas na lang talaga ang magaganap na wedding para maidaos lang at maging legal ang kanilang pagsasama, sa mata ng Diyos at sa tao.

Sheena Halili feeling K-pop star sa mga pre-nup photo

Busog na busog sa pagmamahal at suporta si Sheena Halili mula sa kanyang non-showbiz fiancé kung ang pagbabasehan ay ang post nito ng kanilang mga pre-nuptial photo.

Napag-tripan ni Sheena na makiuso sa K-Pop kaya bigla nitong ginustong magkaroon ng pre-nup photo para sa magaganap na kasal.

Nakita kasi ni Sheena sa isang bridal fair ang isang booth na Korean lahat ng shot. Dahil uso nga ang lahat ng may kinalaman sa Korea – music, fashion, food – naengganyo si Sheena na ito ang gamitin na tema para sa pre-nup nila ni Jeron.

Nalaman ni Sheena na puwedeng dalhin ang Korean feels dito sa ‘Pinas na hindi na kailangang pumunta ng Korea. Natupad ang trip ni Sheena at sinuportahan siya nang husto ng kanyang dyowa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *