Patricia, Rob matamis ang tukaan

Ang bongga lang ng selebrasyon nina Patricia Javier at Doc. Rob Walcher ng kanilang 15 taon bilang mag-asawa.

The post Patricia, Rob matamis ang tukaan first appeared on Abante.

patricia rob matamis ang tukaan - Patricia, Rob matamis ang tukaan
abante patricia - Patricia, Rob matamis ang tukaan

Ang bongga lang ng selebrasyon nina Patricia Javier at Doc. Rob Walcher ng kanilang 15 taon bilang mag-asawa.

Viking type nga ang napili nilang theme, at bagay na bagay sa mga itsura nila. Mukha silang mga hari at reyna ng mga pirata.

“Happy 15 year anniversary my queen. Thank you for making all of my dreams come true. Thank you for giving 100% to us and to our family. I love you,” sabi ni Doc. Rob.

“We believed in the great values of family. Our pictorial theme is Viking for our 15th wedding anniversary,” sabi naman ni Patricia.

Kay Regine Tolentino nga humiram ng costume sina Patricia at Doc. Rob, pati na ang mga anak nila. Kasama nga nila sa pictorial ang dalawa nilang anak na naka-costume rin.

Anyway, marami nga ang pumuri sa relasyon nina Patricia at Doc Rob, na nagsimulang tumira sa Amerika, at bumalik ng Pilipinas para dito na ulit manirahan. Kitang-kita ang give and take sa relasyon ng dalawa, na kung saan ang isa, sasama ang isa. (Dondon Sermino)

The post Patricia, Rob matamis ang tukaan first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *