Parusahan ang mga pusher — Phoebe Walker

Ayon kay Ara Mina, itigil ang anumang maling gawain ng mga artista. May kakayahan din naman ang mga itong ipagtanggol at patunayang malinis sila sa akusasyon.

The post Parusahan ang mga pusher — Phoebe Walker appeared first on Abante News Online.

parusahan ang mga pusher phoebe walker - Parusahan ang mga pusher — Phoebe Walker
walker - Parusahan ang mga pusher — Phoebe Walker

Ayon kay Ara Mina, itigil ang anumang maling gawain ng mga artista. May kakayahan din naman ang mga itong ipagtanggol at patunayang malinis sila sa akusasyon.

“Kung meron man involved, best is to stop ang ganyang gawain and for those na may possible accusations sa kanila, they can prove their innocence unless proven guilty,” sabi ni Ara.

Sa paniniwala naman ni Sherilyn Reyes, magpasalamat na may trabaho na lang ang mga arista at huwag abusuhin ang katawan sa droga.

“Well, kasi mare sa akin kasi better na pa­ngalanan and ‘di protektahan kasi that’s the only way na matitigil ‘yan and ‘yung iba na ‘di pa nadi-discover na kasali pala e makaisip na tumigil.

“For me lang, ‘yung blessing na may trabaho ka at nabubuhay, dapat ipagpasalamat sa Diyos at bilang kapalit, alagaan ang katawan.”

Ang mga pusher ang dapat managot sa ­batas sa opinyon naman ni Phoebe Walker.

“If pusher po definitely managot sa batas dapat.”

Ayon pa rin sa kanya, mahirap linisin ang showbiz on drugs dahil ang iba ay ginagamit ito for recreational purpose. Tinatanong niya rin kung ito ba ay ang usapin ng isyu ng legalizing marijuana.

“Malinis ang showbiz sa drugs? Parang mahirap, kaya i-lessen siguro kasi some users use it for re­creational purposes. As we see the global trend to a more lenient policy on medical marijuana etc.”

Samantala, tila nanahimik naman ang ibang stars nang kunan namin ng reaksyon tungkol sa “showbiz vs. drugs”.
Dalawa lang ang posibleng dahilan, takot na sumawsaw sa isyu ang mga star o abala sila sa kung anuman ang commitment o galaw nila. 

The post Parusahan ang mga pusher — Phoebe Walker appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *