Parokya ni Edgar ayaw makasama sa stage ang Kamikazee

Inilantad na ni Chito Miranda sa mga netizen ang katotohanang may isang banda siya na ayaw makasama ng grupo niyang Parokya Ni Edgar sa mga concert at show.

parokya ni edgar ayaw makasama sa stage ang kamikazee - Parokya ni Edgar ayaw makasama sa stage ang Kamikazee
parokya - Parokya ni Edgar ayaw makasama sa stage ang Kamikazee

Rey Pumaloy Oh Laban Ka 36 336x224 - Parokya ni Edgar ayaw makasama sa stage ang KamikazeeInilantad na ni Chito Miranda sa mga netizen ang katotohanang may isang banda siya na ayaw makasama ng grupo niyang Parokya Ni Edgar sa mga concert at show.

Sa kanyang Instagram post na nakayakap sa isang lalaki sa entablado, sa caption ay ibinunyag ni Chito na ang bandang Kamikazee ang kinatatakutan nilang makasabayan sa kahit na anong gig, show o concert.

Sabi ni Chito sa caption ng larawan, sa loob ng 25 years na nila sa music industry hanggang sa kasalukuyan, nakasabayan na nila ang lahat ng malulupit na banda sa Pilipinas.

Pero isa lang ang ayaw nilang makasama sa entablado, pero gustong-gusto nilang nakakasama sa show, at ito ay ang bandang Kamikazee.

Magbabarkada sina Chito at ang Kamikazee sa UP Diliman mula umaga hanggang gabi, bilang magkakaibigan hanggang ngayon.

Pero dahil sa galing ng Kamikazee, hindi ninanais ni Chito na mauna ang mga ito sa tugtugan. Laging gusto nilang mauna sila dahil siguradong matatabunan sila sa husay ng mga ito.

“Nagmumukha kaming butatoy!” sabi ni Chito, kapag sumasabay raw sila sa banda.

Kaya madalas nauuna muna ang Parokya sa line-up bago ang Kamikazee.

Aminado si Chito sa galing at husay ng Kamikazee kaya lagi silang intimidated.

Valeen humingi ng dasal para ama

Humihingi nang dasal si Valeen Montenegro sa kanyang mga kaibigan, supporter sa Instagram para sa kanyang ama. Sa posting nito ng larawan ng kanyang ina at ama sa Instagram, nakiusap si Valeen na ipagdasal ang pagbuti ng kalagayan ng tatay niya dahil nasa ICU ito.

Kaarawan ng mommy ni Valeen. Ito ang sentro ng kanyang posting, ang batiin ito sa kanyang kaarawan at purihin ang pagmamahal nito sa kanya.

Pero sa huli ng kanyang mensahe, ibinalita ni Valeen na may karamdaman ang kanyang ama at kailangan nito ng dasal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *