Park Bo Gum, Anne nagchikahan sa Twitter

Sanay na kami na marami ang like, retweet at reply sa mga nagiging tweet ni Anne Curtis sa Twitter pero mas lalong lumobo ang interactions nito nang mag-reply sa tweet niya ang Korean star na si Park Bo Gum.

park bo gum anne nagchikahan sa twitter - Park Bo Gum, Anne nagchikahan sa Twitter
ABANTE anne 4 - Park Bo Gum, Anne nagchikahan sa Twitter
Sanay na kami na marami ang like, retweet at reply sa mga nagiging tweet ni Anne Curtis sa Twitter pero mas lalong lumobo ang interactions nito nang mag-reply sa tweet niya ang Korean star na si Park Bo Gum.
 
“Sorry for my late response! When did you come to Korea? Having a good time here? I’m shooting a movie these days. Though the weather’s too hot, I hope you can fully enjoy the time while staying in Korea! Thank you for saying hi to me :)” tugon ni Bo Gum sa tweet ni Anne kamakailan.
 
Nang dumayo kasi si Anne sa Korea ay sa standee lamang ni Bo Gum nakipag-picture ang aktres sabay ipinost ito sa Twitter at tinag ang Korean actor.
 
Matatandaang si Anne ang nag-host sa fan meet and greet si Park Bo Gum sa bansa noong nakaraang buwan. Kaya naman ang mga fan ay super inggit kung paano naging close sina Anne at Bo Gum.
 
Sunod-sunod din na nag-post ang ilang mga fan ng kanilang picture sa standee ni Bo Gum, na umaasang magre-reply rin sa kanila ang Korean actor. (Athena Yap)
 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *