Para sa view, subscriber: Piolo ‘ginamit’ ni BB Gandanghari

Inspired kaya ng mga BL series ngayon kaya muling binuhay ni BB Gandanghari ang alaala raw nina ‘David at Jonathan?’

The post Para sa view, subscriber: Piolo ‘ginamit’ ni BB Gandanghari first appeared on Abante.

para sa view subscriber piolo ginamit ni bb gandanghari - Para sa view, subscriber: Piolo ‘ginamit’ ni BB Gandanghari
BB Gandanghari - Para sa view, subscriber: Piolo ‘ginamit’ ni BB Gandanghari

rose 3 300x156 - Para sa view, subscriber: Piolo ‘ginamit’ ni BB GandanghariInspired kaya ng mga BL series ngayon kaya muling binuhay ni BB Gandanghari ang alaala raw nina ‘David at Jonathan?’

Si David ay si Rustom at si Jonathan naman—kung pagbabasehan ang lahat ng comment ng mga netizen ay iisang pangalan lang ang pinaniniwalaan sa karakter nito, na diumano ay si Piolo Pascual.

Kaugnay pa rin ng “Who Killed Rustom Padilla’s vlogs series” niya sa YouTube ang rebelasyong ito ni BB. Hinihintay na ang kasunod ng vlog niya ng netizens kung papangalanan na nga niya ng tahasan si Jonathan. Pasok na kuwento raw ito sa BL series kung sakali.

Si Jonathan na ayon kay BB ay nagparamdam dito ng “most felt, deep and passionate.” Dalawang dekada na ang nakararaan nang mangyari raw ito, pero parang fresh na fresh pa rin sa memory ni BB.

Sa San Francisco, California raw ito nangyari kunsaan ay ginawa nila ang passion play na Kristo noong 2001. Kasama ni Rustom that time sina Alice Dixson, Rosanna Roces, Mat Ranillo III, Rez Cortez, Judy Ann Santos, at Piolo Pascual.

Sey pa ni BB, may awkwardness sa pagitan nina David at Jonathan during the rehearsal, pero after the show, nagkayayaan mag-clubbing at doon na nagsimula ang “romance” sa pagitan ni Rustom na noon at ng pinangalanan niyang Jonathan.

May mga pumupuri kay BB sa pagiging honest daw nito. Pero sa isang banda, maraming netizen naman na hindi agree sa ginawa nito. Respeto pa rin daw kasi sa tao kung choice nito na mag-out at hindi naman daw lahat, kasingtapang ni BB.

Nagtataka ang iba kung ano ang motibo ni BB? Pamparami raw ba ng view, subscriber, at si Piolo ang napili niyang gamitin?

Rita, Ken sunod-sunod ang trabaho

Pagkatapos na makapag-shooting ng pelikula sa panahon ng pandemic ng director na si Louie Ignacio, isa siya sa matapang at mapalad na tuloy-tuloy ang trabaho during COVID-19.

Natapos nila ang 10 days shooting ng “My First and Always” ng Heaven’s Best Entertainment na pinagbibidahan nina Ken Chan at Rita Daniela. Nakapag-swab test sila after at nagpasalamat ito na negatibo ang resulta.

After that, heto’t magiging busy na siya sa mga taping naman ng mga GMA show. Makakasama pa rin ni Direk Louie ang RitKen dahil ang dalawa pa rin ang tatayong “Clashmates” sa season 3 ng “The Clash” habang siya naman ang director.

Sa September 26 na magsisimulang mapanood ang The Clash kunsaan, ang last year’s winner ay si Jeremiah Tiangco.

Ngayong September 7 na ang simula ng taping ng The Clash at para masigurado ang safety ng lahat, dadaan muna sa COVID-19 swab test ang lahat. Mula sa production, staff and celebrities involved.

Ang alam namin sa nakalipas na buwan, tuloy-tuloy lang ang ginawang audition for the new season through online.

Sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz pa rin ang magsisilbing Clash Master at mga judges pa rin sina Lani Misalucha, Christian Bautista at Ai-Ai delas Alas.

Coco, Willie walang COVID-19

Habang isinusulat namin ito ay wala pa rin malinaw na sagot kung sino nga ba ang tinutukoy na male celebrity na diumano’y well-off at kilalang pilantropo o mapagkawanggawa, pero dinapuan din ng COVID-19 at ayaw nang ipaalam pa sa publiko.

Konti lang ba ang kilalang male celebrity na matulungin? Ilan kasi sa napagtanungan namin, nagkapareho ang mga sagot sa, “sino lang ba mapagbigay na male celebrity? Konti lang,” huh!

Kung may nag-iisip na baka si Coco Martin ito dahil sa patuloy na pagte-taping para sa Ang Probinsyano, binaril na agad ng kausap namin dahil sa araw na nabalitang dinala ito sa hospital, si Coco raw ay malusog na malusog at nag-motor pa.

Lumabas din ang pangalan ng host na si Willie Revillame na pasok na pasok sa mga katangiang nabanggit. Pero mabilis din itong pinabulaanan at free from COVID-19 daw ito sa kabila ng siya ang isa sa mga naunang mag-resume ng live programming ng Wowowin.

The post Para sa view, subscriber: Piolo ‘ginamit’ ni BB Gandanghari first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *