Para kay Dingdong: Marian gustong maging ‘killer’

Balik-showbiz na nga ulit si Marian Rivera. Handang-handa na siyang humarap sa kamera.

para kay dingdong marian gustong maging killer - Para kay Dingdong: Marian gustong maging ‘killer’
marian 2 - Para kay Dingdong: Marian gustong maging ‘killer’

Balik-showbiz na nga ulit si Marian Rivera. Handang-handa na siyang humarap sa kamera.

Katunayan, ang “Tadhana” ang unang project na gagawin niya sa GMA-7. Ang bongga nga ng first episode ng “Tadhana” na bida sina Rhian Ramos at Benjamin Alves.

“May mga adjustment, pero hindi naman sobra. Kasi siyempre, pagkatapos mo manganak, tapos nagpahinga ka, tapos balik host again. May mga adjustment, pero hindi naman sobrang nanibago, kasi ang tagal ko naman nagawa ang ‘Tadhana’. At sobrang happy ako na nakabalik ako sa ‘Tadhana’, kasi na-miss ko talaga itong show na ito.

“Kaya nga nu’ng nawala ako, talagang pinakiusapan ko ang asawa ko na kailangan siya ang pumalit sa akin, kasi napakahalaga talaga ng show na ito, at parte talaga ng pagkatao ko ito,” sabi ni Marian.

Handa na ba siyang mag-teleserye?

“Babalik na ako sa ‘Sunday PinaSaya’ next month,” nakangiting sagot niya.

“Teleserye, tingnan natin. Puwede na. Compromise sa schedule,” saad niya.

Pero, plano raw muna nila ni Dingdong sana na magsama sa isang episode ng “Tadhana”, na nagsi-celebrate nga ng anibersaryo ngayon.

“Plano talaga namin na gawin ito, ang problema si Dong ang dami niyang ginagawa. May ‘Amazing Earth’ siya. And then, nag-movie rin siya.

“Tapos may ‘Descendants of the Sun’ pa siya. Ang layo ng location nila. So, hindi kami makahanap ng oras. Hindi swak ang mga schedule namin.

“Pero pramis namin sa ‘Tadhana’, babalik at babalik kami na magkasama.

“Sana kakaiba naman ang gawin ko. Like killer ako. Parang ganu’n. Palagi naman akong kawawa sa teleserye. So, okey naman na gumanap akong killer,” pangiti-ngiting sabi ni Marian.

Ang tanong ng bayan, siya na ba ang leading lady ni Dingdong sa “Descendants of the Sun”?

“Naku, malay niyo meron na ngang leading lady, hindi lang nila ina-announce. Ang hirap naman ng ganu’n, na ako ang sinasabi niya, tapos meron na palang napili ang GMA, ‘di ba?”

Pero, open ba siya na maging leading lady ni Dingdong sa “Descendants of the Sun”?

“Sa ngayon, ang layo kasi ng location nila. Tapos wala silang uwian. Parang kawawa naman, bibitbitin ko si Ziggy sa taping, tapos si Zia nag-aaral na rin, hatid-sundo ko pa siya sa school.

“Tingnan natin. Mahirap kasing magsabi na hindi, o oo. Malay niyo may iba ring project ang GMA para sa akin. So, tingnan natin,” sabi ni Marian.

Pero sa ngayon, medyo malabo nga raw. Pero, kung masusunod, o maayos ang schedule, puwedeng-puwede na si Marian, o game na game na siya. (Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *