Paolo ‘napamura’ sa ginawa ni Maine

Pinagtripan ni Maine Mendoza ang naiwang cellphone ni Paolo Ballesteros sa harap niya. Ginamit ni Meng ang phone upang mag-selfie nang magselfie.

paolo napamura sa ginawa ni maine - Paolo ‘napamura’ sa ginawa ni Maine
paolo x maine - Paolo ‘napamura’ sa ginawa ni Maine

Jun Nardo I Know Better 34 336x224 - Paolo ‘napamura’ sa ginawa ni MainePinagtripan ni Maine Mendoza ang naiwang cellphone ni Paolo Ballesteros sa harap niya. Ginamit ni Meng ang phone upang mag-selfie nang magselfie.

Kaliwa’t kanang ngiti at pati pagkain niya ng sinangag at daing na bangus ay kinuhanan niya, huh!

“Langya, hirap talaga mag-iwan ng fone eh…part 1 @mainedcm,” caption ni Paolo.

Tawang-tawa naman ang mga follower ni Pochoy (Paolo) sa paglalaro ni Meng sa kanyang phone. Ni-repost ng mga fan niya ang iba’t ibang kuha ng idolo nila sa kanilang Instagram pati na ang pag-inom ng tubig habang nakatawa, at pagsubo ng kutsara, huh!

Apo ni Mother Lily tagumpay sa Australia

Mother duties muna si Roselle Monteverde. Alam naming umalis siya ng bansa pero sa Instagram na lang namin nalaman na nasa Australia siya para sa graduation ng anak na si Bridget Teo.

Inilabas ni Ma’am Roselle ang litrato ng anak na naka-toga sa kanyang Instagram.

“I am very proud of my daughter @bridgetmteo graduating today from University of Sydney with a degree in Medical Science! Congratulations and my love, support and guidance will always be with you throughout your life. Wishing you great success!” caption ni Roselle.

Samantala, ang panganay na anak ni Ms. Roselle na si Keith ay nasa America at ang alam namin ay isa nang lawyer.

Of course, kung proud mama si Roselle, proud lola naman si Mother Lily sa pag-graduate ng apo!

Ilang araw munang mananatili kapiling ng anak si Roselle pero plantsado na ang lahat para sa premiere night ng Regal movie na “The Annulment” next week at sa bonggang mediacon ng horror movie na “The Heiress” nina Maricel Soriano at Janella Salvador.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *