Paolo malabo pang pakasalan si LJ

Saksi si Paolo Contis sa pagiging OC or obsessive compulsive ng comedian at director ng “Family History” na si Michael V. Sa set nga lang daw kunsaan nagtatrabaho sila bilang mga animator, si Bitoy pa raw ang gumawa ng lahat ng mga nakadikit sa pader na mga drawing. Pati raw ang mga clay model ay siya rin ang gumawa.

The post Paolo malabo pang pakasalan si LJ appeared first on Abante News Online.

paolo malabo pang pakasalan si lj - Paolo malabo pang pakasalan si LJ
ABANTE paolol - Paolo malabo pang pakasalan si LJ

Saksi si Paolo Contis sa pagiging OC or obsessive compulsive ng comedian at director ng “Family History” na si Michael V. Sa set nga lang daw kunsaan nagtatrabaho sila bilang mga animator, si Bitoy pa raw ang gumawa ng lahat ng mga nakadikit sa pader na mga drawing. Pati raw ang mga clay model ay siya rin ang gumawa.

Naintindihan naman daw ni Paolo ang style ni Bitoy dahil kampante ito kapag alam niyang mga gawa niya ang nakapaligid sa eksena.

“Hindi ko nga alam na may gano’n pala siyang style. Kasi kung tutuusin, puwede namang mag-print out ka na lang ng drawing at idikit mo sa set. Pero gusto niya na siya rin ang gagawa ng mga drawing at clay model. At least siguro, para mas maganda ang flow ng eksena, alam ni Direk Bitoy na sa kanya ‘yung mga nasa set,” ani Paolo.

Pinag-iisipan na rin daw ni Paolo na balang-araw ay susubukan na niyang maging direktor. At ang unang gusto niyang idirek ay si LJ Reyes.

“Gusto kong idirek si LJ sa comedy. Hasa na siya sa drama, eh. No question na magaling sa drama si LJ. Gusto ko siyang mapanood doing comedy.
Pinabulaanan naman ni Paolo ang balitang pinagbabawalan daw niyang magtrabaho na sa showbiz si LJ.

Tungkol sa pagpapakasal, wala pa raw silang ginagawang plano dahil marami pa raw legal matters na kailangang asikasuhin. (Ruel ­Mendoza)

The post Paolo malabo pang pakasalan si LJ appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *