Paolo iritada na sa isyu ng kabaklaan

PAOLO IRITADA NA SA ISYU NG KABAKLAAN

Sa unang pagkakataon ay nakapanayam ni Boy Abunda ang Kapuso actor na si Paolo Ballesteros sa “Tonight With Boy Abunda”. Mainit na tinanggap sa TWBA ang plakadong “Die Beautiful” star na aabangan naman ngayon sa pelikulang “Panti Sisters” sa Setyembre.

paolo iritada na sa isyu ng kabaklaan - Paolo iritada na sa isyu ng kabaklaan
paolo 4 - Paolo iritada na sa isyu ng kabaklaan

Sa unang pagkakataon ay nakapanayam ni Boy Abunda ang Kapuso actor na si Paolo Ballesteros sa “Tonight With Boy Abunda”. Mainit na tinanggap sa TWBA ang plakadong “Die Beautiful” star na aabangan naman ngayon sa pelikulang “Panti Sisters” sa Setyembre.

Kinuwento ni Paolo kung paano nagsimula ang pagkahilig niya sa mga makeup transformation. Nag-umpisa nga raw nang may nag-message sa kanya na kaibigan niya at ipinakita ang mga YouTube makeup transformation na nauuso, kaya naman sinubukan niyang gayahin.

Ayon kay Paolo, first try niyang kopyahin ay si Angelina Jolie na kanyang idolo pero ang kinalabasan daw ay si Eula Valdez. Pinaka-challenge kay Paolo na kopyahin ay si Beyoncé dahil tatlong linggo niyang sinanay ang sarili sa pagme-makeup.

Nang balikan naman ni Tito Boy ang nabanggit ni Paolo na “I am a Lady” sa isang press conference, sinundan din ng tanong ng host kung hindi ba nairita o na-bother si Paolo sa mga fan na hindi siya tinigilan hangga’t hindi siya napapaamin.

“Uhm, nairita. Charing! Kaya nga sinagot ko na eh. Eme!” biro naman ni Paolo.

“Hindi, kasi Tito Boy, 36 years old na ako. So wala naman… I don’t care about ‘yung mga gender-gender. Kasi kahit anong sabihin ko, ‘pag sinabi kong hindi, syempre may magre-react. ‘Pag sinabing oo, siyempre hindi naman issue ‘yan. Charot-charot. Tagal na, ‘di ba? I’d rather not answer that!” dagdag pa ni Paolo. (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *