‘Panti’ nina Paolo, Martin, Christian pinilahan, sinimsim ng mga fan

‘Panti’ nina Paolo, Martin, Christian pinilahan, sinimsim ng mga fan

Wagi agad sa unang araw ng Pista ng Pelikulang Pilipino (Sept. 13, Friday) ang “The Panti Sisters” nina Paolo Ballesteros, Martin del Rosario at Christian Bables, ha!

panti nina paolo martin christian pinilahan sinimsim ng mga fan - ‘Panti’ nina Paolo, Martin, Christian pinilahan, sinimsim ng mga fan
panti - ‘Panti’ nina Paolo, Martin, Christian pinilahan, sinimsim ng mga fan

Dondon Sermino Paistaran 7 336x224 - ‘Panti’ nina Paolo, Martin, Christian pinilahan, sinimsim ng mga fanWagi agad sa unang araw ng Pista ng Pelikulang Pilipino (Sept. 13, Friday) ang “The Panti Sisters” nina Paolo Ballesteros, Martin del Rosario at Christian Bables, ha!

Mababasa nga ang announcement na nag-number one agad ang “Panti” na kumita ng P13.M, ha! Bongga, ‘di ba?

Kasunod naman ang pelikulang “Open” na bida sina JC Santos at Arci Munoz, na kumita ng P2.2M, at pangatlo ang “Cuddle Weather” nina Sue Ramirez at RK Bagatsing na kumita ng P1.5M.

Medyo malayo nga ang agwat ng kinita ng “Panti” ng tatlong badikla, pero dahil weekend nga, siguradong hahataw ito sa takilya, at malamang pati na ang iba pang mga pelikula na kasali, bumenta na rin, lalo na at magaganda naman ang mga review sa kanila.

Well, sana nga ay tangkilikin pa ng mga manonood ang Pista ng Pelikulang Pilipino, sa pangunguna ni Film Development Council of the Philippines Chairman Liza Dino-Seguerra.

Nakita ko nga sina Chair Liza at Ice Seguerra last Friday night sa Novotel Hotel sa Cubao, at abalang-abala pa rin sila ha!

“Nakakataba ng puso na marinig ang mga papuri sa Sine Sandaan. Nakakaganang magtrabaho ‘pag ganu’ n ang reaksyon,” sabi ni Ice sa simpleng chikahan namin.

Janine Tugonon ibinalandra ang puwet, singit sa New York

Bidang-bida nga ang Pinay na si Janine Tugonon, Miss Universe 2012 1st runner-up, sa Mery Playa Show sa New York Fashion Week 2019.

Kaloka nga ang ginawang pagrampa ni Janine, na halos walang makeup, nakalugay lang ang medyo wavy na mahabang buhok, at 2 piece bikini nga ang suot na kulay pink.

Bonggang-bongga ang paghampas ng balakang ni Janine sa hangin, at maririnig mo nga sa video ang malakas na hiyawan nu’ng rumampa na siya.

Bentang-benta nga ang Pinay beauty sa NYFW, ha! Ilang beses na siyang rumampa sa event na ito.

Nanghihinayang nga lang ang mga fan dahil wala ngang event ngayon ang Victorias Secret, dahil bagay na bagay nga raw ang dalaga roon.

Anyway, kapansin-pansin nga sa mga photo na naglabasan ang pagbalandra ng singit, puwet ni Janine, ha!

Heto nga ang reaksiyon ng mga fan:

Adette Navapink Invenratado, “Perfect.”

Nikki Lucero, “Her walked has improved.”

Ralph Birches, “Omg! Victoria Secret! Please!”

RC Toribio, “So sad VS wont have a show this year… hopefully they will, next year. so JT can have another shot to audition!”

Jana Orellabac, “Grabe her confidence is so high that I just smiled throughout and so very happy to her.. She seems enjoying every catwalk she have.. In her life.. She’s such an inspiration.”

Well, hindi man nasungkit ni Janine ang Miss Universe crown nu’ng 2012, na marami nga ang nagsasabi na siya talaga ang dapat manalo, waging-wagi naman ang career niya ngayon, ha!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *