Pangit ng joke: Alex kinahiya nina Mikee, Toni

Marami ang natawa, in fact, ang mga kasamahan ni Alex Gonzaga na artista ay nag-comment pa sa ini-upload niya sa kanyang Instagram account na Tiktok video niya.

The post Pangit ng joke: Alex kinahiya nina Mikee, Toni first appeared on Abante.

pangit ng joke alex kinahiya nina mikee toni - Pangit ng joke: Alex kinahiya nina Mikee, Toni
toni - Pangit ng joke: Alex kinahiya nina Mikee, Toni

FINAL columnists ANSABE Rose Garcia 2 300x180 - Pangit ng joke: Alex kinahiya nina Mikee, ToniMarami ang natawa, in fact, ang mga kasamahan ni Alex Gonzaga na artista ay nag-comment pa sa ini-upload niya sa kanyang Instagram account na Tiktok video niya.

Ilan sa mga ito ay sina Ariel Rivera, Jessy Mendiola, Melai Cantiveros, Angeline Quinto na tawang-tawa kay Alex.

Ito yung video niya na ang caption niya, “Kain tayo mars habang sumasayaw ng pa-challenge mo… @arianagrande” May bandeau po ako.” At may kasunod na labyu sa kanyang fiancee.

Sumasayaw ito at bigla, may dinukot sa dibdib niya na may dalawang pandesal pala. Of course, all joke ito para kay Alex na lahat yata ay gagawin para magpatawa.

Pero, mukhang isa ito sa mga video ni Alex na “bad taste” sa ilang netizens at maging sa kanyang boyfriend na si Mikee Morada at sa kanyang ate na si Toni Gonzaga.

Nag-comment si Toni sa IG ni Alex nang, “Wala na naman sa wisyo to ah” na sinundan ng pag-roll ng eyes emoji.

Pinost din ni Alex ang comment ni Mikee sa ginawang Tiktok video, “Ano naman yan bi. Pangit nung ginawa mo.”

Sa comments ng netizens, may nag-post na, “Parang ako ang nahihiya for Mikee.”

“Marami na talaga siyang ginagawang panget o off sana matuto si Alex sa mga feedback. It doesn’t mean naman na she is being bashed.”

But again— kanya-kanya siguro talaga ng humor. May hindi type ang humor ni Alex pero tulad nga sa una naming sinulat, marami rin kasi ang natatawa sa kanya.

Sharon naluha sa surpresa ni KC

All is well na talaga sa pagitan ng mag-inang Megastar Sharon Cuneta at KC Concepcion. Bukod sa nagkasama silang buong pamilya noong Christmas eve, tila nakumpleto na ang kaligayahan ni Sharon noong kanyang birthday sa presence ng kanyang panganay na anak.

Nasa isang island si Sharon before pa her actual birthday. Habang si KC naman, nag-spend ng kanyang New Year sa Palawan.

Pero nakahabol si KC sa kaarawan ng ina at sinurpresa ito.

“KC flew back to Manila from Palawan with our dear friend Tim Yap today to take another flight to the island where I and the rest of the family are! She brought me our favorite Strawberry Shortcake and Tim brought me beautiful flowers! What a sweet surprise!” ang maluha-luhang tsika ni Sharon.

Nag-reply naman si KC sa post ni Sharon at sabi niya, “Surpriiiise, love you with all my (heart emoji) mama.”

Halos lahat naman ng followers ni Sharon ay masayang-masaya sa nakikitang magandang relasyon na ng mag-ina ngayon.

Sa isang banda, ang ganda rin sana kung naisipan nilang mag-swimsuit pictorial na magkasama, huh!

Maria Ozawa iniwan si Chef Jose

Kumpara sa dating show ni Suzy Abreira na focused din sa Ajinomoto, ang malaking kaibahan ng bagong cooking show ngayon nina Chef Jose Sarasola at Iya Villania, sa telebisyon na sila.

Sa online lang yung dati pero ang “Eat Well, Live Well, Stay Well” nina Chef Jose at Iya na nagsimula ng mapanood ngayong January 8 sa GMA-7 at 11:20 a.m.

Kahit bagong Kapuso si Jose, ten years ago pa raw silang nagkakilala ni Iya sa kabilang network nang magkasama sila sa isang show. At chef man si Jose, si Iya ay mukhang hindi rin nagpapahuli sa pagluluto.

Nakatulong dito ang lock down dahil kumpara dati na ang mommy niya lang daw talaga ang magaling magluto, marunong na rin si Iya at nakakapag-serve na ng mga specialty niya sa buong pamilya.

At kung si Chef Jose, mag-isa lang sa bahay at pinagluluto lang ang sarili dahil ang girlfriend na si Maria Ozawa ay bumalik na ng Japan, si Iya naman, may Mister na si Drew Arellano at tatlong anak na nakakatikim ng mga luto niya.

The post Pangit ng joke: Alex kinahiya nina Mikee, Toni first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *