‘Pandesal’ ni Nico Bolzico pinagkaguluhan sa Halloween event

Kahit puyat, lunch time pa lang kahapon ay ready na si Sarah Lahbati para sa kanyang 5:50pm flight to Geneva, Switzerland (via Abu Dhabi, UAE). Napuyat si Sarah sa Opulence: Let Them Eat Cake Halloween event ni Raymond Gutierrez sa The Tent at Solaire.

pandesal ni nico bolzico pinagkaguluhan sa halloween event - ‘Pandesal’ ni Nico Bolzico pinagkaguluhan sa Halloween event
solenn 9 - ‘Pandesal’ ni Nico Bolzico pinagkaguluhan sa Halloween event

Jun Lalin Anything Goes 38 336x224 - ‘Pandesal’ ni Nico Bolzico pinagkaguluhan sa Halloween eventKahit puyat, lunch time pa lang kahapon ay ready na si Sarah Lahbati para sa kanyang 5:50pm flight to Geneva, Switzerland (via Abu Dhabi, UAE). Napuyat si Sarah sa Opulence: Let Them Eat Cake Halloween event ni Raymond Gutierrez sa The Tent at Solaire.

Nagpunta nga raw sila ni Richard doon to support Raymond. At dahil sa Solaire na sila natulog, nakapag-empake na si Sarah bago pa man siya ma-stress sa pagpapaayos noong Thursday.

Sabi nga niya, super organized siya sa mga ganoong bagay. Ayaw niyang nai-stress kapag bumibiyahe, kaya maaga talaga siyang nag-eempake para siguradong wala rin siyang naiiwanan.

Sabi pa niya habang kapalitan ko ng text kahapon, “Yes, ihahatid ako ni Chard. Super lapit lang ng Solaire sa airport, kaya maya-maya pa kami aalis.”

Kasama rin nila ang kids nila, sina Zion at Kai kahapon at bonding sila sa Solaire before she left for Europe.

Speaking of Opulence Halloween event, ang pag-support din sa kaibigang si Raymond ang dahilan kung bakit kahit malaki na ang tiyan ni Solenn Heussaff ay nag-join pa rin siya roon.

Kasama niya ang mister na si Nico Bolzico na pinagkaguluhan ang abs na naka-display sa costume. Pero siyempre, kahit binibiro-biro ng iba at tina-touch ang abs ni Nico ay forever taken na siya ng misis na si Solenn.

Sabi raw ni Solenn nang dumating sa party, “I’m here to support Mond, but I’ll go home by midnight.”

Mukhang maghapong nagpahinga si Solenn para ready siya sa Opulence event that night.

Janine, Rayver super sweet sa Opulence

Marami pang kuwento sa Opulence Halloween event ni Raymond the other night.

Sabi nga ng mga um-attend doon, ang bongga ng Halloween event na ‘yon at dapat ngang maging annual na ‘yon.

Kasama nga pala ni Janine Gutierrez sa event na ‘yon si Rayver Cruz. At super sweet naman sila, sabi ng mga nakakita. Palagi na naman silang magkasama, hindi kaya it’s about time na pag-usapan na talaga nila ang sinasabing relasyon nila?

What do you think, Dondon? Ang bongga!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *