Pamilya ko nasa panganib kay Digong – Mariel

Taong 2017 nang mas lalong umingay ang pangalan ni Mariel de Leon, at ‘yon ay dahil sa tapang niya na magbigay ng opinyon, lalo na sa mga ginagawa ng gobyernong Duterte.

pamilya ko nasa panganib kay digong mariel - Pamilya ko nasa panganib kay Digong – Mariel
mariel 2 - Pamilya ko nasa panganib kay Digong – Mariel

China dinidiyos:

Taong 2017 nang mas lalong umingay ang pangalan ni Mariel de Leon, at ‘yon ay dahil sa tapang niya na magbigay ng opinyon, lalo na sa mga ginagawa ng gobyernong Duterte.

Kaya naman nang natalo siya bilang representative ng Pilipinas sa Miss International sa Japan, sabi-sabing natuwa noon si Davao Mayor Sara Duterte, dahil sa tingin nga niya ay ‘maldita’ talaga ang anak na ito nina Christopher de Leon at Sandy Andolong.

Naging mainit din ang bangayan noon nina Mariel at Mocha Uson, na tagapagtanggol nga ni President Rodrigo Duterte. At nagkaroon din ng isyu sa pagitan nina Mariel at Catriona Gray nang panahong kandidata pa lang si Gray sa Bb. Pilipinas.

Ngayon nga ay naka-base na si Mariel sa New York, USA. Mag-isa siyang naninirahan doon, at ang pagiging modelo nga ang pinagtutuunan niya ng atensiyon.

Pero, kahit matagal na nga si Mariel na wala sa Pilipinas, hindi pa rin nawawala ang mga mensahe, komento niya, lalo na pagdating sa pamamahala ni Pres. Digong.

At kahapon nga, muli na namang nag-ingay ang pangalan ni Mariel, dahil na rin sa Instagram story niya, na kung saan ay matinding akusasyon na naman ang ibinato niya kay Pres. Duterte, at sa pamamahala nito.

Heto nga ang laman ng IG story ni Mariel:

“I worry for my family in the Philippines since DUTERTE and the PHILIPPINE GOVERNMENT choose to turn a blind eye when it comes to CHINA.

“Illegal workers. Kidnappings. Organ harvesting. Flu. Diseases. Rude mainlanders who have no respect for anything or anyone.

“PH got worse ever since Duterte welcomed just about anyone and anything from China with open arms! You love to act all tough but really its all an ACT. STAND UP FOR YOUR PEOPLE THEN!

“PROTECT THE FILIPINO PEOPLE AND THE PHILIPPINES!”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *