Pamilya Gutierrez walang iwanan – Annabelle

Sa Thursday pa ang birthday ni Annabelle Rama at 67 na siya, pero noong Saturday ay nagkaroon na siya ng celebration sa Chef Jessie Rockwell Club sa Rockwell, Makati City.

pamilya gutierrez walang iwanan annabelle - Pamilya Gutierrez walang iwanan – Annabelle
anabelle 3 - Pamilya Gutierrez walang iwanan – Annabelle

Jun Lalin Anything Goes 33 336x224 - Pamilya Gutierrez walang iwanan – AnnabelleSa Thursday pa ang birthday ni Annabelle Rama at 67 na siya, pero noong Saturday ay nagkaroon na siya ng celebration sa Chef Jessie Rockwell Club sa Rockwell, Makati City.

As expected, well-attended ang pa-birthday dinner ni Bisaya.

Days before, ang alam ni Bisaya ay hindi makaka-attend ang anak niyang si Richard Gutierrez dahil may shooting ito ng “Unbreakable” movie ng Star Cinema with Bea Alonzo and Angelica Panganiban, pero dumating pa rin ang aktor dahil, “Isang eksena lang ang kinunan sa akin, maaga akong natapos, kaya I’m here!” sabi ni Richard.

Sabi nga ni Bisaya kay Richard nang dumalaw kami sa shooting ng “Unbreakable”, “Hayaan mo na, priority ang shooting, kahit wala ka na sa birthday dinner ko dahil kailangang matapos na ang shooting at sa November 27 na ang showing n’yo!”

So, nang makarating si Richard sa celebration niya, natuwa talaga si Bisaya.

Sa speech ni Bisaya, pinasalamatan niya ang kanyang pamilya na palaging nakasuporta sa kanya.

Pinasalamatan niya ang mister na si Eddie Gutierrez na very faithful na raw sa kanya ngayon.

Siyempre, nasa party rin ni Bisaya si Ruffa Gutierrez na sobrang nag-asikaso sa mga bisita.

Nandoroon din sina Rocky, Elvis at Raymond Gutierrez (na by 9:40PM ay umuwi na dahil inaantok na).

Ang mga apo ni Bisaya na sina Zion, Aria at Ezra na nandoroon din ay mas nakapagpasaya kay Bisaya.

Sabi nga ni Bisaya, wala talagang iwanan ang pamilya Gutierrez.

Jana Victoria ‘di makilala dahil sa kapayatan

Dumating sa dinner na ‘yon ang mga alaga ni Bisaya na sina Assunta de Rossi at Jana Victoria. Hindi ko kaagad namukhaan si Jana dahil pumayat siya. Lumiit din ang mukha niya dahil sa kada-diet at exercise.

Si Assunta naman, biniro ko na iba talaga kapag “donya” dahil may isa na naman siyang teleserye na tinanggihan.

“Hahaha. Uuwi rin kasi kami ni Jules (Ledesma, her husband) sa San Carlos dahil Undas, kaya hindi talaga puwede,” sey niya, pero ngayon nga, may taping naman siya para sa “Bubble Gang” dahil ‘yon ang pinaka-“reunion” nila ni Michael V. na matagal din niyang nakasama sa nasabing gag show.

Pamilya Revilla pa-US sa Dec. 12 sa kasalang Jolo-Angelica

Um-attend din doon si Ramon Christopher, na sinabing parang anak na ang turing sa kanya ni Bisaya.

That night ay kasama ni Monching (tawag sa kanya) ang mga anak na sina Janine at Maxine. Ang iba raw niyang mga anak, may mga lakad.

Akala ko ay kasama ni Janine si Rayver Cruz, pero wala ito.

Ang iba pang mga namataan ko sa party ay sina Pops Fernandez, Mother Lily at Roselle Monteverde, ang mag-asawang Ice at Liza (Diño) Seguerra, CEB (Cinema Evaluation Board) Chairperson Christine Dayrit (na kasama ang bestfriend niyang si Romelda Martinez), Joy Ortega, Pheomela Barranda, Daisy Romualdez at iba pa.

Si Senator Bong Revilla, bago mag-midnight, humabol sa party, kaya natuwa si Bisaya.

Nang kakuwentuhan namin si Bong ay sinabi niyang sa December 12 ang alis niya papuntang Los Angeles, California para sa kasal ng anak na si Cavite Vice Governor Jolo Revilla kay Angelica Alita na gaganapin sa Pelican Hill sa Newport.

Ang alam ko, sa December 15 ang kasal at nabanggit ko nga kay Sen. Bong na ang ganda sa Pelican Hill dahil na-feature ko na ‘yon sa “Anything Goes” show ko sa Facebook page ng Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *