‘Pambansang Pakboy’ magpapakabait na

Nagpakita na nga sa publiko si G­erald Anderson kahapon (nang madaling araw). Siya nga ang na-nguna sa fun run ng Skekchers, na kung saan ay endorser siya.

pambansang pakboy magpapakabait na - ‘Pambansang Pakboy’ magpapakabait na
ABANTE gerald 1 - ‘Pambansang Pakboy’ magpapakabait na

Mga fan ayaw maniwala:

Nagpakita na nga sa publiko si G­erald Anderson kahapon (nang madaling araw). Siya nga ang na-nguna sa fun run ng Skekchers, na kung saan ay endorser siya.

Maagang nagising ang ibang TV reporter para dayuhin at chikahin si Gerald. At hindi naman sila nabigo dahil pinagbigyan naman sila ng tinagurian ngayon ng mga netizen na ‘Pambansang Pakboy’.

Positivity ang pa-ek-ek ni Gerald ngayon. Yun daw ang mabisang pantapat sa mga negative na sitwasyon, at mga tao.

“Sa daming negativity ngayon, alangan naman pati ako maging negative pa rin. The only way to fight negativity ay maging positive. May magagawa kang mabuti. Yung mga nangyayari sa iyo, channel that in a right way.

“Yun ang goal ko, to come out a better man, a better person,” sabi ni Gerald sa interbyu sa kanya na mapapanood sa Tonight With Boy Abunda Instagram account.

Paano na ang mga basher? Naapektuhan pa ba siya?

“Kapag mga tao sa paligid ko ang tinitira nila. Kapag mga mahal ko sa buhay, ‘yun ang masakit. Kung ako lang, okey lang. Mahirap pag mga tao sa paligid ko ang binibira nila, nasasaktan ako.”

So, paano ba gustong harapin ni Gerald ngayon ang buhay?

“Just like anybody else, kapag may mga challenge sa buhay natin, laging may natutunan tayo. We learned something from all of these,” sabi ni Gerald.

Sa Instagram story naman ni Gerald ay makikitang masayang-masaya siya habang tumatakbo.

“Mas madali na ang 5K ngayon. Wala tayong dalang rifle. Yes sir, yes sir!” sabi ni Gerald.

“Positive vibes only!” say pa niya.

Anyway, dahil ‘disabled’ ang comment section sa Instagram ni Gerald, hindi maibulalas ng ibang tao ang suporta, o pati na ang galit sa kanya.

Pero sa Facebook fanpage niya, mababasa pa rin ang masasakit na salita para sa kanya.

Sabi nga ng mga netizen, kung umasta si Gerald, parang walang nangyaring problema kamakailan, ha! Back to normal ang buhay niya. Patawa-tawa ulit. Sabi nga ng iba, parang ni katiting ay walang halong pagsisisi sa buhay niya.

At dahil doon, tila lalong nabuwisit ang mga maka-Bea Alonzo sa kanya.

(Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *