Pahinga muna sa serye: Hindi ako sakim – Iza Calzado

Hiyang-hiya si Iza Calzado kay Jodi Sta. Maria sa isang eksena nila sa Ang Sa Iyo Ay Akin, na kung saan ay hinampas niya ng basahan sa mukha ang huli.

The post Pahinga muna sa serye: Hindi ako sakim – Iza Calzado first appeared on Abante.

pahinga muna sa serye hindi ako sakim iza calzado - Pahinga muna sa serye: Hindi ako sakim – Iza Calzado
isa - Pahinga muna sa serye: Hindi ako sakim – Iza Calzado

Hiyang-hiya si Iza Calzado kay Jodi Sta. Maria sa isang eksena nila sa Ang Sa Iyo Ay Akin, na kung saan ay hinampas niya ng basahan sa mukha ang huli.

“Napakahusay na aktres ni Jodi. Bigayan naman kami sa mga eksena.

“Ang mas concern ko noon ay yung basahan na ihahampas ko sa kanya. Sobrang ingat na ingat ako sa kanya, kasi sa mukha talaga niya lumagapak ang basahan.

“Pero, teamwork talaga, at binantayan kami ni Direk FM. Ang sarap kasi kapag ang kaeksena mo ay nagbibigay, at napapadali ang trabaho ng lahat,” kuwento ni Iza.

Anyway, sinabi ni Iza na after ng Ang Sa Iyo Ay Akin, tigil daw muna siya sa paggawa ng teleserye. Hindi dahil sa sobrang napagod siya, pero gusto raw naman niyang magbigay sa ibang artista.

“Kung ganito pa rin an gating stiwasyon ngayon, I would like to give chance to others. Limited lang ang work ngayon, and very fortunate kami na nabigyan agad ng ganitong work,” sabi niya.

Ayaw naman daw niyang maging sakim, na lahat na lang ng trabaho ay sa kanya mapunta.

“But again, if it’s meant for you, it’s meant for you,” saad niya, na after nga raw nitong Ang Sa Iyo Ay Akin ay may dalawa agad siyang proyekto na gagawin, pero hindi raw teleserye.

Well, sana all ganiyan ang ugali, na mas gustong magbigay daan din sa ibang artista na sila naman ang magkaroon ng trabaho. (Dondon Sermino)

The post Pahinga muna sa serye: Hindi ako sakim – Iza Calzado first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *