Pahinga muna sa bakbakan: Ayusin ko muna kasal ko – Angel

Kasintindi ng trending na mga action stunt ni Angel Locsin ang mga pasabog, bakbakan, at nakakaantig na mga eksena ng mga karakter sa “The General’s Daughter” para tapusin ang kanilang huling misyon sa nalalapit nitong pagtatapos sa Oktubre 4.

pahinga muna sa bakbakan ayusin ko muna kasal ko angel - Pahinga muna sa bakbakan: Ayusin ko muna kasal ko – Angel
angel 11 - Pahinga muna sa bakbakan: Ayusin ko muna kasal ko – Angel

Kasintindi ng trending na mga action stunt ni Angel Locsin ang mga pasabog, bakbakan, at nakakaantig na mga eksena ng mga karakter sa “The General’s Daughter” para tapusin ang kanilang huling misyon sa nalalapit nitong pagtatapos sa Oktubre 4.

Handog ng pinakamalaking teleserye ng 2019 ang makapagil-hiningang biyaheng puno ng aksyon at emosyon para wakasan ni Rhian (Angel) ang kasamaan ni Tiago (Tirso Cruz III), na nananatiling uhaw sa kapangyarihan.

Walang ibang alam kundi dahas, idadamay ni Tiago sa kanyang plano ang libo-libong inosenteng buhay para pabagsakin ang militar at gobyerno at maging pinuno ng bansa. Plantsado na ang pagbabanta niya sa tulong ng sikretong tauhan niyang si Cinco (Mercedes Cabral), na nagpapanggap bilang isang senador na kinasusuklaman ang mga terorista.

Ngunit nauubusan na ng oras si Rhian, dahil kasabay ng paghahanap nila nina Marcial (Albert Martinez) at Franco (Paulo Avelino) kay Tiago ay ang patuloy ring pagtugis sa kanila ng mga awtoridad.

Sa kabila ng pagdurusa ni Corazon (Eula Valdez) dahil sa pag-aalala para sa kanyang mag-ama, tuluyan namang umaklas si Amelia (Janice De Belen) mula sa layunin ng asawa niyang si Tiago at hiniwalayan na ito para magsimula ng bagong buhay kasama ang batang anak nila.

Magtagumpay kaya si Rhian na linisin ang kanyang pangalan at pigilan ang masasamang plano ni Tiago para sa bansa?

Simula nang mapanood ang “The General’s Daughter” noong Enero, mahigpit ang kapit ng mga manonood sa serye na nagdulot ng araw-araw na panalo nito sa nationwide ratings, pag-ulan ng mga papuri para sa all-star cast nito, at mainit na usap-usapan sa social media.

Kabilang din sa ilang mga eksenang tumatak sa mga manonood ay ang mga eksena ni Angel kung saan siya mismo ang gumagawa ng sarili niyang stunts, ang pagkakatuklas ng karakter niya ng tunay na pagkatao niyang si Arabella, at ang pagkamatay nina Elai (Arjo Atayde) at Sabel (Maricel Soriano) sa kamay ni Tiago.

Sa farewell presscon ng “The General’s Daughter”, sinabi ni Angel na magpapahinga muna siya ngayong mga huling buwan ng 2019, na hindi muna siya tatanggap ng teleserye, o kahit anong trabaho.

“Asikasuhin ko naman po ang buhay ko. Magpapagaling po ako ulit. Medyo napasabak po tayo sa matitinding action scene. So pahinga muna ako.

“At aasikasuhin ko muna ang kasal ko,” nakangiting pahayag ni Angel.

Pero sabi nga niya ulit, kapag okey na ang lahat, kasal na sila ni Neil Arce, ay babalik at babalik siya sa teleserye. At kung ang cast ng “The General’s Daughter” daw ulit ang makakasama niya, gagawin niya kahit libre.

“For one week lang po libre, ha! After that, may bayad na ulit! Hahahaha!” sabi na lang ni Angel. (Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *