Pagrampa ni Maymay pinalakpakan nina Pia, Megan, Nicole

Aba! Parang naputungan na talaga ng korona si Maymay Entrata dahil umani ito ng papu­ri mula sa mga beauty queen ng Pilipinas.

pagrampa ni maymay pinalakpakan nina pia megan nicole - Pagrampa ni Maymay pinalakpakan nina Pia, Megan, Nicole
maymay 5 - Pagrampa ni Maymay pinalakpakan nina Pia, Megan, Nicole

Aba! Parang naputungan na talaga ng korona si Maymay Entrata dahil umani ito ng papu­ri mula sa mga beauty queen ng Pilipinas.

Tila inangkin na ng aktres ang korona ng pagiging “Beauty Queen” kahit wala pa mang sinasalihan na pa­geant, dahil sa mga komento sa kanya ng mga tanyag na beauty queen sa bansa.

Una riyan ang Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach na tinawag pang “Barbie” si Maymay, at hindi pa nga nakuntento sa isang comment si Pia, sinundan pa ng comment na “Queen Passing Through”.

Sinundan pa ni Miss World 2013 Megan Young sa comment na “kabooogg”.

Maliban sa dalawang beauty queen, nagpaabot din ng suporta ang Miss Supranational 2013 na si Mutya Datul, pati na rin ang Miss Grand International 2016 first runner-up na si Nicole Cordovez na nagtanong pa kung ano kaya ang maaaring ipangalan sa walk ni Maymay.

Mas winner pa nga si Maymay at siguradong kilig to the bones dahil umabot na rin ng 4 milyon ang kanyang followers sa Instagram. At ngayon nga, isa na rin siyang vlogger.

Sunod-sunod nga talaga ang mga blessing sa aktres dahil humakot nga rin ng maraming magandang feedback ang pelikulang “Hello, Love, Goodbye” kung saan kabilang siya sa cast.

Puwede na rin sigurong humarana si Edward Barber ng “Nasa’yo Na Ang Lahat” kay Maymay ngayon na sunod-sunod ang natatamasa nitong achievements.

(Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *