Pagpatay ni Cardo kay Alakdan iniyakan ng mga fan

Patay na nga si Alakdan sa “Ang Probinsyano!” Pero, sa halip na marami ang matuwa, tila mas marami pa ang nalungkot, ha!

The post Pagpatay ni Cardo kay Alakdan iniyakan ng mga fan appeared first on Abante News Online.

pagpatay ni cardo kay alakdan iniyakan ng mga fan - Pagpatay ni Cardo kay Alakdan iniyakan ng mga fan
coco 1 - Pagpatay ni Cardo kay Alakdan iniyakan ng mga fan

abante paistaran dondon sermino 336x224 - Pagpatay ni Cardo kay Alakdan iniyakan ng mga fan
Patay na nga si Alakdan sa “Ang Probinsyano!” Pero, sa halip na marami ang matuwa, tila mas marami pa ang nalungkot, ha!

Mababasa nga sa Instagram ni Jhong Hilario ang pamamaalam niya sa teleserye ni Coco Martin sa ABS-CBN. Ngayon pa lang ay sinasabi na nga niya na mami-miss niya ang kulitan nila sa taping.

Pero sorry na lang nga, dahil asintado talaga si Cardo Dalisay, at sa noo talaga siya pinuntirya. Patay kung patay, at walang matitira ni katiting na hininga.

Pero ‘yun na nga, nalungkot, naiyak ang marami, ha! Heto nga ang mga komento nila.

ballerheena: “Mami-miss ka po namin sa Probinsyano kahit nakakainis yun character mu @jhonghilario.”

lodicm2012: “Wala na talaga akung masasabi sa #fpjap3cardovshomer” sob­rang intense yung laban! iniisip mo! paanu pa maiiligtas sila Bubles at General Diana! Pero ng nakuha sila ng Vendetta grabe yung indeksyun sa takbo ng dugo mo feel muna talaga na di sila pababayaan ni Cardo Dalisay! Nakaka-sad man na nawala si Mr. Homer a.k.a. Alakdan, pero sa tatlong taon na kasama natin siya wow napahanga niya din tayo sa galing niya as in bilang kuntrabida walang tinapon! Kahit matigas ang puso mo maiiyak ka din sa pagkamatay niya as Homer/Alakdan” marami pong salamat sa 3 years na napanuod kita or ng buong mundo sa ba-wat sulok ng bansa eh talaga namang isa kang kahanga-hanga! mananatili ka sa istorya ng #fpjsangprobinsyano walang katulad bravo @jhonghilario super ga­ling thumbs up po.”

sweetescapes101: “@jhonghilario naiyak po ako kanina habang binabaril ka unti unti ni Cardo… Kahit ang salbahe mo sa probinsyano iba ka tlga idol. God bless u po.”

Goodbye Maris na? Wengie bagong kalambingan ni Iñigo

Ipinagpalit na ba ni Iñigo Pascual si Maris Racal sa ibang babae? Well, ang alam ko lang, may bago talagang “babae” sa buhay ni Iñigo ngayon, at ‘yun ay ang sikat na YouTuber na mula sa Australia, ang Chinese-Australian na si Wengie.

“Nakakatuwa na magkaroon ng pagkakataong makatrabaho ang isang talent mula sa YG. Isa akong K-Pop fan! Sobrang saya at malaki ang pasasalamat ko,” sabi ni Inigo.

Bukod kay Wengie, nakatakda ring makatrabaho ni Iñigo ang ilan pang artists mula sa ibang bansa at maglabas ng isa pang collaboration single sa Mayo.

Isang lifestyle vlogger at voice actress si Wengie na kasalukuyan ay may 13 million subscri­bers sa kanyang main YouTube channel. May iba’t iba pa siyang channel, kabilang na ang Wengie Music na kung saan tampok naman ang mga sikat niyang awitin tulad ng “Oh I Do,” “De Ja Vu,” at “Cake.”

Isa lamang si Iñigo sa mga Kapamilya artist na unti-unting pinapasok ang international music scene sa patuloy na pagtataguyod at pagbaba­hagi ng ABS-CBN ng mga talent ng mga Pilipino sa buong mundo.

Abangan ang “Mr. Nice Guy” nina Iñigo at Wengie sa digital stores ngayong Abril.

Chuckie Antonio habulin ng kababaihan

Guwapo, matangkad, maputi, masarap kausap, matalino, mga katangian na pasok na pasok sa showbiz. Kayang-kaya nga niyang mag-artista, at sumikat kung gugustuhin niya, dahil may mga ka­kilala rin naman siya na mga maimpluwensiyang tao sa showbiz. At isa pa, mara­ming babae ang humahabol sa kanya, ha!

“Pero hindi po kasi ako marunong umarte,” natatawang sabi ni Chuckie Antonio.

Pero, nag-try nga raw siyang mag-model noong bata-bata pa siya.

“Yes po, nag-model ako before. Nag-Circle of 10 ako noon. Pumasok naman ako sa top noon. High school pa lang ako that time.

“May mga kasama ako noon na active sa showbiz ngayon, nag-aartista na sila, nakikita ko na sila sa TV,” sabi niya.

“Parang sideline ko lang ‘yon dati, hindi ko talaga sineryoso,” sabi niya.

Well, inagaw nga ng politika si Chuckie, na sa edad na 18 ay nag-kagawad na sa kanilang barangay. At tumatakbo ngayon bilang Konsehal sa district 3 sa Quezon City.

The post Pagpatay ni Cardo kay Alakdan iniyakan ng mga fan appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *