Pagpapaseksi ni Yasmien aprub kay mister

Pagpapaseksi ni Yasmien aprub kay mister

Ang seksi-seksi ni Yasmien Kurdi sa presscon ng “Beautiful Justice”, ang bagong teleser­ye ng GMA-7. Ang bongga ng hubog ng katawan niya, at may pasilip pa nga siya ng skin, dahil see-through nga ang kanyang outfit, ha!

pagpapaseksi ni yasmien aprub kay mister - Pagpapaseksi ni Yasmien aprub kay mister
KURDI - Pagpapaseksi ni Yasmien aprub kay mister

Ang seksi-seksi ni Yasmien Kurdi sa presscon ng “Beautiful Justice”, ang bagong teleser­ye ng GMA-7. Ang bongga ng hubog ng katawan niya, at may pasilip pa nga siya ng skin, dahil see-through nga ang kanyang outfit, ha!

Nakatulong daw nang malaki ang training nila sa “Beautiful Justice”, na puno ng suntukan, bugbugan, kaya lalong gumanda ang katawan niya.
“Matagal at mahirap ang training namin. Hindi siya naging madali.

“Actually mas nag-gain na nga ako ngayon compared sa weight ko nu’ng last teleserye ko. Noon kasi medyo lubog na ang pisngi ko,” sabi niya.
Pero, okey ba sa dyowa niya ang pagpapaseksi niya?

“Okey naman sa kanya. Hindi naman siya nagre-react. Tinanong ko nga siya kung okey lang ang damit ko, wala lang, okey lang daw, i-post ko raw ‘yon.”
Naku, baka naman bigla siyang mabuntis?

“Hindi naman ako in a rush. Kasi basta kung ibigay ni Lord, blessing’ yon. Pero hindi naman kami nagmamadali talaga. Pero wala pa naman ako sa age na hindi na puwede mabuntis.

“Maaga akong nag-asawa, at maaga rin akong nabuntis.

“Actually naghahanap na rin ng kapatid ang anak namin, pero sinasabi lang namin sa kanya na in God’s time, dara­ting ‘yon. Malay natin next year biglang mabuntis,’ ‘di ba?” ani Yasmien. (Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *