Pagod na ako – Sharon Cuneta

Pagkatapos na mag-break muna sa kanyang social media account, ginulat na naman ng Megastar na si Sharon Cuneta ang kanyang mga follower.

The post Pagod na ako – Sharon Cuneta first appeared on Abante.

pagod na ako sharon cuneta - Pagod na ako – Sharon Cuneta
abante sharon cuneta 2 - Pagod na ako – Sharon Cuneta

Rose Garcia Ansabeh 14 300x157 - Pagod na ako – Sharon CunetaPagkatapos na mag-break muna sa kanyang social media account, ginulat na naman ng Megastar na si Sharon Cuneta ang kanyang mga follower.

Kasabay pa ng kanyang post ang picture na para ngang pagod na pagod na ito o may pinagdadaanan. Sabi ni Sharon sa caption, “On my way to retirement…”

At para na itong namamaalam sa kanyang mga anak sa pagpu-post na, “Kids, it’s almost time. Mama’s tired. I love you.”

Sa isang banda, hindi naman na bago rin sa pandinig ang pagsasabi ni Sharon tungkol sa retirement. Ilang beses na niya itong nabanggit sa mga nakaraang press conference niya.

Ngayon na ba ‘yun kaya niya nasabing “it’s almost time” or baka nga may pinagdadaanan lang kaya nagiging tila emosyonal?

Marami naman ang nag-comment sa post na ito ng Megastar at halos lahat ay comforting words at tila ine-encourage pa rin ito to go on.

Heart super kilig pa rin kay Chiz

Ilang taon na ngang kasal si Heart Evangelista kay Governor Chiz Escudero pero, hanggang ngayon, kinikilig pa rin ito.

Nang may magtanong kay Heart nang mag-IG Live ito kung sino ang crush niya aside sa kanyang Mister, all smile at parang kilig na kilig nang sabihin ang buong pangalan ni Gov. Chiz.

Kinuwento pa ni Heart ang history ng pagkakaroon niya ng crush sa Mister at kung paano, hindi niya akalain na magiging asawa niya ang crush niya. At that time raw na una niya itong makilala, in a relationship pa siya sa iba.

Kahit sa pagbati ni Heart sa kanyang Mister at sa ginawa nitong birthday video, tahasan niyang sinabi kung gaano siya kasuwerte na ito ang kanyang asawa.

The post Pagod na ako – Sharon Cuneta first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *