Pagkakaospital ni Claudine pinagdudahan

Yan ang naka-post sa Instagram ni Claudine Barretto kahapon. Na sa caption ay sinagot na rin niya na; “I hope not.”

pagkakaospital ni claudine pinagdudahan - Pagkakaospital ni Claudine pinagdudahan
claudine 3 - Pagkakaospital ni Claudine pinagdudahan

Jun Nardo I Know Better 23 336x224 - Pagkakaospital ni Claudine pinagdudahan“Are you proud of who have you become?”

Yan ang naka-post sa Instagram ni Claudine Barretto kahapon. Na sa caption ay sinagot na rin niya na; “I hope not.”

By this time, alam na ninyo ang eskandalong naganap sa lamay ng ama nilang si Miguel Barretto. Walang nagawa si President Digong Duterte upang maayos ang gulo ng tatlong Barretto sisters.

Sa ngayon, naka-confine sa St. Luke’s hospital sa BGC si Claudine dahil sa natamong galos at pagkahilo umano nito.

May mga nagdududa naman sa pagkakaospital ni Claudine? Parang feeling nila, hindi raw totoo at mukhang gawa-gawa lang. Alam mo naman ang mga tao ngayon,hanggang kayang maghanap ng butas sa isang tao, gagawin talaga nila. Malay ba naman nila sa totoong sitwasyon ni Claudine ngayon? At wala naman sila sa lugar na pinangyarihan dahil ang balita ko bawal ang hindi kamag-anak, o kaibigan, sa burol ni Mr. Barretto.

Marjorie sinisi ng mga netizen

Anyway, sa mga comment ng post ni Clau, kay Marjorie Barretto ang bunton ng sisi sa nangyari. Pero may umunawa rin sa kanya.

Sa totoo lang sa kanilang tatlo na pumasok sa showbiz, si Marjorie ang lesser star. Merong Regal Films na nag-aalaga that time kay Greta habang nasa Seiko Films naman nakatali si Claudine.

Napunta sa Viva Films si Marjorie pero wala siyang naging launching movie. Leading lady lang siya ng action-comedy stars. Agad pang nabuntis ni Kier Legaspi at nagkaanak.

Kaya nabulilyaso agad ang career. Sinubukang pumasok sa politika at nadale rin ng kontrobersiya.

Eh ngayong sumikat ang anak na si Julia Barretto, bilang ina, poprotektahan ang anak sa anumang kontrobersiya. At sa proteksiyon niya, nakabangga ulit niya si Gretchen.

Pero ayon sa isang netizen, lahat sila ay may mga mali. Kaya lang, maling-mali ang sitwasyon para gumawa ng eskandalo kaya pinagpistahan silang muli ng publiko, huh!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *