Paghuhubad nina Dingdong, Rocco, Andre inaabangan ng mga beki

Inaabangan na ng maraming beki ang Pinoy adaptation ng hit Koreanovela na “Descendants of the Sun” dahil sa male cast na kasama rito. Dahil tungkol sa buhay ng military men ang kuwento ng DOTS, tiyak na magpapagandahan ng katawan ang mga aktor sa naturang teleserye na pinangungunahan ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes.

The post Paghuhubad nina Dingdong, Rocco, Andre inaabangan ng mga beki appeared first on Abante News Online.

paghuhubad nina dingdong rocco andre inaabangan ng mga beki - Paghuhubad nina Dingdong, Rocco, Andre inaabangan ng mga beki
Abante ding - Paghuhubad nina Dingdong, Rocco, Andre inaabangan ng mga beki

Inaabangan na ng maraming beki ang Pinoy adaptation ng hit Koreanovela na “Descendants of the Sun” dahil sa male cast na kasama rito. Dahil tungkol sa buhay ng military men ang kuwento ng DOTS, tiyak na magpapagandahan ng katawan ang mga aktor sa naturang teleserye na pinangungunahan ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes.

Matagal na raw kasing hinahanap-hanap ng mga beki ang lumabas na shirtless si Dong at malamang dito sa DOTS ay mapawi na ang uhaw ng mga nagnanasang beki.

Bukod kay Dong, pinapantasya rin ng mga beks na makitang shirtless at masilayan ang mga abs ng ibang male cast ng DOTS na sina Rocco Nacino, Andre Paras, Paul Salas, Lucho Ayala, Prince Clemente, Antonio Aquitania at ang bagong Kapuso recruit na si Jon Lucas.

And in fairness, meron ding mga beki na gustong makita rin ang matipunong katawan ng veteran actor na si Roi Vinzon.

Dahil sumabak sa sari-saring military training ang male cast with the Armed Forces of the Philippines, tiyak daw na nagla-lakihan na ang mga muscles at nagtitigasan na ang mga abs ng mga ito. (Ruel Mendoza)

The post Paghuhubad nina Dingdong, Rocco, Andre inaabangan ng mga beki appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *